KUNG KINAKABAHAN SI STACEY sa ideya na kakausapin niya si Ronnie tungkol kay Paige, mas lalo siyang kinabahan nang makita ito sa mansyon.
Tumayo siya agad mula sa pagkakaupo sa sofa at inabangang makalapit ito sa kanya.
"Follow me," lingon nito saglit sa kanya habang tuloy-tuloy sa paglakad.
Lumagpas na ito sa salas at pumanhik sa grand stairs, kaya nagmamadaling sumunod si Stacey dito.
Kanina, pagkatapos nila magdinner, naunang magpaalam si Kylie na uuwi na. Kaya silang tatlo ang tumuloy sa balak nilang saglitin ang mga shops sa mall at mamili nang kaunti bago umuwi.
After buying a little bit of this and that, Paige received a message regarding her latest art commission. May pinapapulido ang kliyente raw nito at kailangan nang maagapan kaya nagpaalam si Paige sa kanilang dalawa. Stacey and Luz decided to go home as well. Pero dahil gusto pa niyang mapalapit at makuha ang loob ng nanay ni Renante, nag-presenta si Stacey na sumama sa ginang sa pag-uwi at samahan itong maghapunan. They bought a cake for dessert then went straight to the mansion.
Nagpaalam saglit si Luz na magbibihis kaya naiwan sa salas si Stacey. Sa kahihintay, naabutan na siya roon ng napadaan na si Ronaldo, ang ama nila Renante. Nagbatian sila at tinanong niya rito kung nakauwi na ba si Ronnie. Ang sagot nito ay hindi pa. 'Tapos, niyaya siya nitong sumabay na rito sa pagpunta sa dining room, pero tumanggi si Stacey at idinahilan na ipinangako niya kay Luz na hihintayin ito sa salas. Hindi na siya kinulit ni Ronaldo at tumuloy na ito sa dining room.
Nang maiwang mag-isa na naman, doon na niya sinamantala ang pagkakataon para tumawag sa opisina ni Ronnie. Nakalista kasi sa phonebook katabi ng telepono sa mansyon ang numero nito.
At ngayon, heto at idinala siya ng lalaki sa office room ng bahay.
Inilapag nito sa desk ang bitbit na smartphone at laptop na nasa loob ng sleeve nito. Then, Ronnie faced her.
"What is it?"
Stacey took in a deep breath.
"Look, I just want to ask some questions. I am just concerned, okay?"
"Concerned about what?"
Parang ang awkward naman kung direkta kong sasabihin na concerned ako sa kanya.
Tinatagan ni Stacey ang hitsura.
"Kapatid ka ni Renante kaya, concerned ako sa'yo."
Ronnie did not smile. Nanatili itong nakasimangot at tinanggal ang reading glasses na suot. Isinabit ito ng lalaki sa bandang gitna ng kwelyuhan ng suot nitong button-down polo na ash blue.
"Okay," walang latoy nitong saad.
"You know the Rosa Cobra design? Iyong ginawang design ni Paige para sa isa sa mga wristwatch ng VVatch?"
Nagsalubong ang mga kilay nito at itinukod ang mga kamay sa desk. Dahil nakatalikod dito si Ronnie, bahagyang napaliyad ito habang isinasandal sa desk ang likuran ng mga hita.
"What about it?"
Napalunok siya.
How would Ronnie feel, if he hears something that will make him doubt his girlfriend's loyalty?
Parang naninikip na ang dibdib niya.
I know, this should not come from me... Pero baka lalo akong kainisan ni Ronnie kapag nagsawalang-kibo ako. Dahil imposibleng hindi niya malaman kung ano ang totoo. At imposibleng hindi niya malaman na may ideya ako tungkol sa sasabihin ko ngayon sa kanya...
Stacey finally had the courage to reply. "Paige said, the design is inspired by the man she loves."
Nabawasan ang pagkakasimangot ni Ronnie. Umaliwalas man ang mukha nito, hindi pa rin sapat ang mga narinig nito para mapangiti man lang.

BINABASA MO ANG
Through Secrets Unveiled
General Fiction[ Manila's Finest Series # 3] [ Wattpad Version ] ••• Rated SPG - R18+ When revelation comes, denial follows.