CHAPTER 10

20 2 0
                                    

Levi's POV

Pigil ang excitement ko na halos hindi nako makatulog dahil nga makakasama ko bukas si Cassie at ang family niya.

"What?! Sasama ka? sama ako! ano ikaw lang?" Kanina pako kinukulit ng kambal ko para lang makasama siya.

"Lex, ininvite nga lang ako tapos isasama pa kita? next time na! Nahihiya pa nga ako eh!" Tinalikuran ko na siya at kinuha ang bag ko para mag handa ng dadalhin bukas.

Rinig ko nalang ang pag sara ng pinto kaya malamang nagtatampo yun. Pero pasalubong lang suhol dun, magbabati na naman kami nun. Binalik ko ang isip ko sa mga pwedeng mangyari sa outing na yun. I'll take that as an opportunity to get closer to her. Iniimagine ko palang, kinikilig nako. Shet! Magtino ka, Lev!
Patapos na ako sa paglalagay ng mga gamit ko when I received another notif sa phone ko.

From: Cassie 💕

Zambales daw. 7am tayo aalis. You can come here early, we'll use our van. Prepare stuffs for 2 nights.

I smiled. 2 nights, huh. Siguro naman may progress na pag balik namin dito.

Hindi ako nakaramdam ng antok dahil kahit nakahiga ako ay busy ito sa pag iimagine. I even tried to drink beer para lang makatulog pero hindi umeffect.

Mulat pa rin ang mata ko and when I checked the phone, it's already 5:30am. Fudge! Naligo nalang ako at naghanda na. I wore a black shirt, pinatungan ko ng checkerd polo then black pants and white sneakers. When everything's set and tahimik pa sa bahay, I decided to go at Starbucks near Cassie's house para dun muna tumambay at mag coffee. I also texted my parents dahil baka hanapin ako.

I sat down after I ordered when I received a message from Cassie.

From: Cassie 💕

Hey, u awake na? Baka tulog kapa ah!

It was indeed a good morning ! Umagang umaga , siya agad ang bungad! Kinuha ko ang order ko sa counter and type my reply to her.

To: Cassie 💕

I'm awake , kanina pa.

I put a smiley emoji pero naalala ko kailangan pala mamaintain pagka cool ko kaya I erased it.

It was 6:30 when I decided to go their house na , nakakahiya naman dahil baka ako pa ang antayin nila. Yung maid nila ang sumalubong sakin. Buti nalang at hindi na ito nagtanong at pinapasok nalang ako.

I saw Cassie's brother , Caleb tying his shoes na naka upo sa sofa and nakita niya agad ako pag angat ng tingin niya sakin.

"Zach! Uy! Hi, bro! Pasok , pasok!" Tinapik niya ang braso ko and guided me na maupo sa sofa.

Nginitian ko din siya and scanned my eyes sa bahay nila. My jaw dropped sa sobrang laki ng bahay nila. Ibang iba to sa bahay nila before, and mas malaki to kesa sa bahay namin.

I heard Caleb's laugh while looking at me kaya nahiya naman ako.

"Kumain kana ba? Nagbibihis pa sila. Relax kalang jan. Feel at home." Tumayo siya at nawala sa paningin ko. Inikot ko pa ang paningin ko sa bahay nila, may malaking staircase sa gitna. I stared at the huge picture frame na nasa living room , it's their family picture. Nakaupo ang parents nila kasama si Cassie and nakatayo naman sa likod nila ang tatlong kapatid niya. I smiled while looking at it.

"Kuya." Napalingon ako sa nagsalita, it's Clyde! Napangiti ako ng todo ng nakita ko siya. Maliit pa siya nung nakakalaro ko si Cassie noon.

"Clyde!" Lumapit ako sa kanya at hinawakan siya sa magkabilang braso. "Laki mo na ah!" Natatawang sabi ko at ginulo ang buhok niya.

Perfect Beauty (Perfect Series #1)Where stories live. Discover now