CHAPTER 15

18 2 0
                                    

Levi's POV

Grabe yung pagpipigil ko ng kilig at ngiti ko habang ka facetime ko si Cassie. Natapos din kami agad after mag usap about sa elections.

Actually, tapos na nga talaga ang filing of candidacy pero napilit ko lang si Carina na mapilit ang student council na pagbigyan si Cassie na makahabol. May crush din yun sakin kaya dinaan ko nalang sa paglalandi.

Lunes, maaga akong pumasok dahil may assignment akong pinasa sa prof namin dahil nga humahabol ako sa mga absences ko.

"Hoy Loverboy!" May tumapik sa likod ko. Si Zeph.

"San ka napunta ah? Tagal mong di pumasok!" Binatukan pa ko! Sinamaan ko siya ng tingin.

"Aga aga , ang ingay mo!" Naglakad na ko papunta sa classroom at sumunod naman siya sakin.

"Nagtatampo na ko sayo bro! Ako ang bestfriend mo, pinagpalit mo nako sa crush mo? Ouch!" Kanina ang ingay, ngayon naman ang drama. Kunwari pa siyang npahawak sa dibdib niya.

"Wag ka ngang OA. Hindi ako ganyan nung inlove na inlove ka dun sa gf mo." Sa sobrang busy ko, hindi ko nga sure if sila pa.

"Na hospital si Cassie kaya hindi ako nakapasok. Okay na?" Natigilan naman sya at hindi na nagsalita. Nakarating na din kami sa classroom ko.

"Sge na. Papasok nako. Kita nalang tayo mamaya." Sabi ko at tinapik ko siya para magpaalam.

Mabilis lang natapos ang 1st subject , konting discussion at puro recit. Nakakasagot naman ako, buti nalang. Nag aayos ako ng bag ko ng napansin kong sumilip si Cassie sa room namin. She's so cute. She's wearing a tube top and gray crop hoodie which shows a little abs and white ripped pants plus sneakers. Nang nakita niya ko, nag wave lang siya konti. Kinuha ko ang bag ko at lumabas na.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.

"I.. I brought my medical certificate na. Here oh. Are you vacant? Saan ba mag fifile?" Pinakita niya sakin ang envelope na hawak niya.

I just smiled and pinasunod siya sakin. We went to the student council headquarters. Nilingon ko pa siya dahil nahuhuli siya. Nang nakita niya kong lumingon, binilisan niya pa ang lakad niya. Huminto ako sa pinto and knock on it. Binuksan naman agad ito ng isang lalake. I don't know the name pero familiar ako sa face.

"Magfifile sana kami ng candidacy. Anjan ba si Carina?" I told the guy. Lumingon naman sya and tinawag si Carina. After a few , sumilip siya sa pinto.

"Oh Lev! Hi! Pasok pasok kayo!" She opened the door widely at pumasok na nga kami. Konti lang sila sa loob, mga tatlo lang.

"Sya yung sinabi ko na hahabol sana for filing. Dala niya na ang medical certificate nya." Turo ko kay Cassie. Nilingon niya si Cassie and napansin ko na she slightly raise her brows.

"Let me see." Nilahad niya ang kamay niya para kunin ang envelope.

"Uhmm.. Here." Cassie's in panick to hand the envelope. "I'm.. I'm Maleia Cassandra Alvarez."

Carina reviewed the medical certificate first before walking towards Brianna, our current Student Council President. Inabot niya to kay Brianna.

"Maupo muna kayo." Carina said pointing the chairs infront of Brianna's desk.

"Maleia Cassandra.. Hmm. May sakit ka. Isn't this a hindrance for you to run? Stressful ang elections." Brianna said.

"Uhm, no. I can handle naman." Cassie smiled at her. Such a softie. Halatang kinakabhan sya dahil nakahawak ang dalawang kamay niya.

"Okay. Actually, tapos na nga ang filing. But then, lumapit samin si Levi and ask an exemption kaya we accepted it. But it doesn't mean , approved na ang candidacy mo." Brianna's voice is that strict kaya kung hindi mo siya kilala ay matatakot ka or maooffend but nanalo sya as president dahil nga of her big social circle and magaling din talaga siya. She's over qualified, sabi pa nila. This is her 2nd year as the president and balita ko tatakbo parin siya for her 3rd year.

Perfect Beauty (Perfect Series #1)Where stories live. Discover now