CHAPTER 18

18 2 0
                                    

Levi's POV

"Does it mean tayo na?" Malaki ang ngiti ko sa kanya ngayon habang nagdadrive .

"Not yet, lover." She winked at me then smiled. Nakakatunaw ang ngiti niya ngayon. Nadidistract ako. "Me and Jae didn't have any closure yet. I would need to have closure with him first. Tsaka ano ka?! Uso ligaw sakin no!" Humalukipkip siya then sumandal sa seat niya. Natawa ako ng mahina.

"Aba! Plano mo pa ata akong pahirapan ah!" Palipat lipat ang tingin ko sa kanya and sa daan.

"Naman!" She responded then giggled.

Umaapaw ang saya ko ngayon. Hindi pa kami pero parang nararamdaman ko na. Naging seryoso ako nung naalala ko ung sinasabi niyang closure.

"About the closure.." I uttered. I felt her shifted on her seat , nakasandal na siya sa pinto facing her body towards me. Seryoso yung mukha niya ngayon.

"Don't go near him alone. If possible, isama mo ko. or any of your friends. Baka maulit na naman yun." Humigpit ang hawak ko sa manibela sa gigil ko . Sa susunod na mkikita ko sya ay baka hindi ko mapigilan ang sarili ko.

"Don't worry. Hindi pa naman agad agad. I would let the situation cool down. Mag focus nalang muna tayo sa elections." She commented. Nakarating kami sa kanila ng ganun ang pinag uusapan. Inaya niya pa akong pumasok pero hindi nako bumaba dahil nandun sila mommy and daddy sa bahay ngayon.

Pag ka uwi ko sa bahay, kahit busug na ako sa dinner namin ni Cassie ay sumabay parin ako sa dinner dahil andun ang parents namin. Yun nga lang ay hindi ko inaasahan ang pagsasabon sakin.

"Levi. Ano tong nabalitaan kong tumakbo ka biglang vice president ng student council?" Tanong ni dad . Napatikhim ako ng wala sa oras.

"Uhm, yes dad." Sa sobrang busy ng parents ko ay hindi na din ako nakkapag update sa mga gawain sa schools. Pati sa pagsasayaw ay hindi na ako nakaka attend ng practice.

"Paano ang flying hours mo? Balita ko ay dalawang araw ka lang umattend at last month pa yun. Kakasimula pa lang ng sem Levi." Dad's strict when it comes to our academic activities lalo na sa flying hours ko dahil inaasahan niya ako sa kompanya.

"Tatapusin ko lang po tong election dad. then after nyan ,pde napo ako bumalik." Nakayuko kong sabi. Hindi ko man lang siya matingnan sa mata.

"Sguraduhin mo lang yan Levi. Inaasahan kong matatapos mo na ang flying hours mo this year. Wag mo ng idelay pa yan." Tango na lang ang naisagot ko. Pinigilan na din ni mommy si dad kaya nalipat kay kuya Raiden ang tanong.

Natapos kami sa dinner at dumiretso nako sa kwarto ko. Nagbuklat ako ng libro at gumawa ng assignment. Naisip ko kung ano kayang ginagawa ni Cassie ngayon kaya I sent her a message.

To: My Cassie ❤️

Hello pretty! I'm doing my homework. are u busy?

When I sent the message, I heard a knock on the door. Paglingon ko, nakasilip na si Lexi sa pinto.

"Twin. Come in." Humarap ako sa kanya. Seryoso ung mukha niya. She crossed her arms infront of me.

"We finished the routines earlier. Coach is mad. Hindi ka na nakaka attend ng practices Lev. I tried to cover up but you know.." Napakamot siya sa noo nya, for sure frustrated na din sya. Napagsabhan nako ni dad kanina, then si coach naman.

"I know. It's okay. You don't have to." Nakayuko kang ako and sighed.

"Sabi niya magpakita ka daw bukas sa HQ . He's really mad twin so please pumunta ka. You missed a lot of activities na, pati flying hours mo sinantabi mo na. I'm worried." Napaangat ang tingin ko sa kanya. Kita ang pag aalala sa mukha niya.

Perfect Beauty (Perfect Series #1)Where stories live. Discover now