CHAPTER 17

30 2 0
                                    

Levi's POV

"Maleia."  Napalingon ako sa gawi niya ng binanggit ni Kai ang pangalan niya. Gising na siya! Nagmadali kaming lumapit ni Clyde.

"Kuya.." Hinawakan niya si Kai sa braso at kita ang takot sa mga mata niya.

"Wag kang mag alala, nag file ng kaso si Kuya Caleb. May ginawa ba siya sayo? Anong nangyari?" Dirediretsong tanong ni Kai at nakinig lang kami sa kanya.

Bumuntong hininga naman si Cassie bago kinwento samin ang buong pangyayari. Hindi ko inaasahan na ganun pala ang boyfriend niya.

"Fuck him! Wala na ata sa tamang isip ang lalaking yun!" Galit na galit na sabi ni Kai. Tahimik lang ako sa gilid at kung pwede lang sugurin ang gagong yun ngayon din, mapapatay ko sya.

Na discharge naman agad si Cassie ng gabing iyon. Umuwi na ako agad and inulan naman ako ng tanong ng kambal ko.

"How's she? Nabalitaan ko yung nangyari. Kalat na sa school." Nilingon ko siya agad.

"What? Anong rumors naman ang lumabas?" Alam na alam ko ang utak ng mga students dun. Madalas maling balita yung kumakalat.

"I don't know. Yun nga.. yung pag aaway nila ng boyfriend niya.." I sighed and left Lexi sa sala. Umakyat nalang ako agad sa kwarto ko. Humiga ako sa kama ko and hindi parin nawawala ang galit ko sa Jae na yun. I let my arms rest sa noo ko.

Naalala ko si Cassie. Hindi mawala sa isip ko ang takot sa mukha at mga mata niya kanina habang nkakapit kay Kai. I decided to send a message to her.

To: Cassie

Hey. Are you okay ? Rest. You need that.

Natapos na kaming mag dinner pero hindi parin siya nag rereply. I got one can of beer sa mini fridge ko and waited for me to get sleepy.

The next morning, Brianna sent a text message na today will be the first day for the campaign . I expected a message from Cassie like having meeting in regards to this but wala parin siyang chat or text.

I arrived at school early and bumungad sakin sa parking ang pinsan kong si Archer.

"Vice Pres!" Tawang tawa pa siya habang naka sandal sa BMW niya. Hawak ang cup ng coffee sa isang kamay.

"Inantay mo talaga ako dito para asarin ha!" Nilingon ko lang siya and sumunod naman siya sakin.

"Couple goals yan? Pres and vice pres?!" Patuloy sa pang aasar at inakbayan pako.

Binatukan ko ang pinsan ko para matigil sa pang aasar at kakatawa. Natigilan ako ng kita ko sa banda namin na bumaba sa sasakyan sina Kai kasama si Alannis and Cassie. She looks better now . Inalis ko ang pagkaka akbay ng pinsan ko at lumapit sa kanila.

"Kai!" tawag ko sa kanila though si Kai lang ang binanggit ko, lumingon naman silang tatlo.

"Oh Lev, bro! Good morning." Tapik ni Kai sa braso ko, tumango din siya sa pinsan ko.

"Good morning din." Balik kong bati sa kanya at lumingon sa gawi ni Cassie. Nag iwas naman siya ng tingin agad.

"Dude. Alis nako. Malelate na ako eh. Ikaw na munang bhala sa kanila. Sge na bye." Paalam ni Kai sa amin.

Aktong aalis na si Cassie ng hinawakan ko siya sa braso.

"Cass-" Tawag ko sa kanya pero laking gulat ko ng mabilis niyang hinila ang braso niya at may takot sa mga mata niya.

"So-sorry." Sagot niya. Nagmadali na silang naglakad paalis ni Alannis.

Nakakunot ang noo ko sa unang klase at hindi mawala sa isip ko ang akto ni Cassie. Matapos ang 1st class ay vacant ko kaya dumiretso ako sa classroom nila .

Perfect Beauty (Perfect Series #1)Where stories live. Discover now