CHAPTER 11

20 3 0
                                    

Levi's POV

Hindi ako nabusog sa kinain ko dahil naguguilty ako na nakatulog ako sa balikat ni Cassie. Isang oras din yun, ngalay na siguro yung balikat niya ngayon.

Sekreto pa akong napalingon sa kanya pero nagulat ako dahil.. TULOG? Nakasandal siya sa may bintana at umuumpog pa ung ulo niya ng bahagya dun. Naguilty ako lalo dahil ngayon pa siya nakatulog. Tinapos ko muna ung pagkain ko at nilagay ito sa cellophane.

Kinuha ko ung kape sa kamay niya at hinawakan sa kanang kamay ko. Hinila ko siya banda sakin kaya napasandal siya agad sa dibdib ko. Medyo nakaangat pa yung mukha niya kaya kitang kita ko yung mukha niya pag sinilip ko siya. I took the time to stare at her. Hinawi ko pa yung mga buhok na nagulo sa mukha niya . She so pretty, naturally pretty. No make-up, mas mahaba na ang pilik mata niya ngayon , pointed nose and pink lips. Inakbay ko nalang ang kamay ko sa balikat niya at hinayaan siyang matulog ng mahimbing.

Hindi nako nakatulog sa buong byahe. Nahuli din kami ng mommy niya sa posisyon namin , magsasalita sana ako pero natawa lang siya . After 4 hour drive, nakarating kami sa destination. Isang private beach resort ito sa Zambales. Ginising nila tita sina Caleb sa harap kaya I whispered to Cassie para gisingin siya.
Narinig niya naman agad at medyo nagulat pa siya na nagkalapit ang mukha namin.

"We're here." I softly said, nakayuko lang siya ngayon at pumipikit pikit pa.

Nauna akong bumaba sa kanya at nakita ko agad ang malaking nakalagay sa entrance. "Indira", 2 story house ito na puro glass ang wall.

"Welcome to Indira Beach House Ma'am and Sir!" Bati sa amin ng isang matandang babae. Maganda yung ngiti niya at nakakahawa.

Pagpasok namin ay unang bungad sa amin ang infinity pool at harap nito ang buong dagat. Wow! Giniya kami ng matanda papasok ng bahay.

"May 2 rooms po tayo dito, with 10 beds. Kakasya naman po kayo. May tatlong bathrooms din . Sauna, Kitchen, outdoor dining and grilling area. Kompleto nadin po ang gamit sa kusina. And yung nga pong nakita niyo kanina, yung infinity pool. May gate din sa baba ng infnity pool, daan yun kung gusto niyo naman maligo sa dagat. Exclusive niyo din po yun." Tumango tango din kami .

"Thank you po." Sabi ni tito.

"Tumawag nalang po kayo kung may kailangan." Dagdag na sabi ng matanda. Tango at ngiti din ang sagot ni tita.

Dahil dalawang rooms, sina tita mag ooccupy ng isang room and kaming anim naman sa kabilang room. Nag kanya kanya na din kaming pasok sa room at nag iwan pa ng habilin sila tito na magluluto ng lunch maya maya.

Habang nag aayos ng gamit, nakita kong busy din silang nag aayos. Si Clyde at Caleb ay pinagpatuloy ang tulog nila.

"Magbihis na tayo sis, punta tayo dun sa labas." Excited pa na saad ni Alannis.

"Yea , wait." Nilingon ko pa si Cassie at nagkakalikot siya sa maleta niya.

Naputol lang yung tingin ko sa kanya nung humarang si Kai sa harap ko .

"Tara, tingin2 tayo ng pwedeng gawin dun sa labas." Yaya ni Kai. Hinubad ko lang ang polo ko and sumama sa kanya sa labas.

Napakalaki ng lugar. Siguradong worth it yung 2 nights namin dito.

"Mukhang mahimbing ang tulog niyong dalawa ah." Tumatawa pa siya ng mahina kaya nahiya tuloy ako.

"Naguilty lang ako kaya I just returned the favor." Umiwas ako ng tingin sa kanya at tumingin sa dagat.

"Nakapag usap na ba kayo?" Nakatingin pa siya sakin ng seryoso. Naguluhan naman ako dun dahil nag uusap naman talaga kami.

"Nino? ni Cassie?" Kunot ang noo kong tanong sa kanya at tumango naman siya.

Perfect Beauty (Perfect Series #1)Where stories live. Discover now