CHAPTER 20

18 1 0
                                    

Levi's POV

Ramdam kong medyo nawala na ang kalasingan ko. Napapatingin ako sa gawi ni Cassie na nakatingin lang sa bintana ng taxi. I held her hand and pinched it slightly.

"Okay kalang?" I asked her. tinitigan ko pa ang mga mata niya. Malungkot ito pero pinilit niyang ngumiti sakin.

"I'm okay. I should be the one asking you that. Kailangan pa nating gamutin yang sugat mo." She smiled a little then humikab. Inaantok na sya panigurado.

Nakauwi kami ng bahay past 12midnight na. Dumiretso kami sa kwarto ko ng wala kaming nakitang tao sa baba. Paniguradong tulog na sila.

I saw a glimpse of doubt on Cassie's face nang pinapasok ko siya sa kwarto ko pero hinila ko nalang sya papasok.

"Feel at home. Magbibihis lang ako." Dumiretso ako sa cr para maghilamos ng mukha. Napangiwi ako sa hapdi ng sugat ko . Paglabas ko ng cr ay nakita kong nakaupo lang si Cassie sa bed ko. Nagtitingin tingin siya sa paligid. She's so cute.

Nagpalit ako ng pambahay then kumuha ako ng black hoodie na oversize para pamalit niya. Naabutan ko siya sa kama ko na nakasandal sa headboard.

"Your room is so big. Tsaka your bed also is so comfy. Mas comfy pa ung bed mo kesa sa bed ng mga kapatid ko." She pouted and pulled the comforter on her body.

Tumawa lang ako and gave her the hoodie. "Magpalit ka muna. Your clothes are too tight. Ngayon lang kita nakitang mag suot ng ganyan." I raised my brow at her.

"Eh kasi naman. I was filming a tiktok content earlier tapos bigla akong tinawagan ng pinsan mo. You said you will go home tapos malalaman ko lasing ka." She throwed the hoodie back at me , like a child having tantrums. Nakahalukipkip pa sa harap ko.

Natawa ako ng malakas. I would've give up everything just to make this girl happy.

"Sorry na . Sge na, get changed na." Nilambingan ko ang boses ko and handed her back the hoodie.

"Let's treat your wounds first. Asan na ang first aid kit?" Lumingon lingon siya sa buong kwarto.

"Magbihis kana muna. Kukunin ko lang ang first aid kit sa baba." I gave a quick glance to her then lumabas na.

Nang nakuha ko na ang first aid ay naalala ko ang car ko kaya tinawagan ko na muna ang pinsan ko. Maingay parin kaya sgurado akong di pa sila nakaka alis dun.

"Cous! Ano? naka uwi kana?" He asked me right away.

"Oo. Nag taxi ako. Hatid mo ung kotse ko dito sa bahay ha!" Siya ang tinawagan ko dahil siya talaga ang inuutusan ko pag nakaka inom ako . Hindi ko mapagkatiwalaan si Zeph dahil the last time na inutusan ko siya, nabunggo niya pa ang kotse ko.

"Yes boss! Eh si Cassie mo pala? Sinama mo jan? Ayeeee!" Nagsimula na naman siyang tuksuhin ako kaya binabaan ko agad sya ng phone.

Pagbalik ko sa kwarto ay naabutan ko si Cassie na nakahiga na sa bed ko. Suott niya ang hoodie ko. Nakapikit na at nakatalukbong pa ung comforter ko sa kanya. She's like an angel sleeping. I smiled automatically.

Nilapag ko ang first aid sa may bed side table kaya nagising siya. Pinilit niyang bumangon kahit kitang kita na sa mukha niya yung antok.

"Ah sorry. I just felt comfortable sa bed mo kaya humiga ako saglit habang inaantay ka." Nakatalukbong parin sa kanya ang comforter and ung kaliwang kamay niya lang ang naka alalay sa kanya na makabangon.

Lumapit ako sa kanya and umupo sa tabi niya. Inayos ko ang unan niya and hinila siya ulit pahiga. Nagulat siya sa ginawa ko pero pinagpatuloy ko lang.

Perfect Beauty (Perfect Series #1)Where stories live. Discover now