CHAPTER 13

17 3 0
                                    

Levi's POV

Naguguluhan ako sa lahat ng nangyayari. Hindi nag sisink in sakin lahat. Hindi ako maalala ni Cassie? Paano nangyari yun? Kaya ba siya umiiyak at nahimatay nung unang kita ko sa kanya ?

Wala man lang akong nagawa kanina, nanigas lang ako sa kinauupuan ko. Biglang may tumapik sakin kaya namalayan ko nalang na nakatulala na naman pala ako.

Palabas na ako at ako nalang pala ang hinihintay nila. Pasakay na sana ako sa van ng nakita ko si Kai ang nakaupo sa tabi ni Cassie. Sinilip ko pa siya at bumalik na naman ang sakit sa dibdib ko habang nakikita ko syang ganun. Walang malay pero parang anghel na natutulog lang. Uupo na sana ako sa likod pero tinawag ako ni Kai.

"Dito ka. Ikaw na muna bahala sa kanya ha." Nagmadali naman akong pumalit sa pwesto niya at sinandal si Cassie sakin. Nakasandal ang ulo niya sa dibdib ko. Hinawakan ko ang chin niya para mapaangat ang mukha niya. Mabilis na nangilid ang mga luha ko ng nakita ko ang mukha niya.

Bakit mo ko nakalimutan? Ako simula umalis ka ikaw lang ang parati kong iniisip. Ayokong nakikita kang ganito Cassie. Gusto ko yung masayang ikaw lang ang parati kong makita.

"Hindi ka niya kinalimutan, nakalimutan ka niya Zach." Biglang nagsalita si tita kaya napalingon ako sa kanya .
Nakatingin na pala siya samin kanina pa. Ngumiti siya ng mapait sakin at tumingin ulit kay Cassie.

"She, Clyde and their baby sister had an accident 10 years ago. Car accident. Their baby sister... died.. in that accident... " Simulang nagkwento si tita at garalgal ang boses niya. Nanigas ako lalo at napapalunok sa mga narinig ko.

"Clyde and Maleia had a major head injury and trauma . But Maleia was in coma for 5 months. When she woke up, she lost her memories. She suffered amnesia. Pati pagkatao at pangalan niya hindi niya alam." Umiiyak na si tita habang nakatingin kay Maleia. Ramdam kong tutulo na ang mga luha ko kaya binalik ko ang paningin kay Cassie. Tinutukan ko pa lalo ang mukha niya.

I don't know you suffered a lot back then, Cassie. Pero ako I hated you for a second dahil akala ko iniwan mo ako. Nawala lang bigla ng walang paalam. I can't hold back my tears kaya hinayaan ko nalang ang mga ito.

"Matagal nabalik ang memories niya, pero useless lahat dahil pagbalik ng alaala niya, nalaman niyang her sister died at sinisi niya ang sarili niya kaya back to zero ulit. Hindi siya nag continue ng therapies and all . Matagal tagal din siyang naging okay ulit. Pero nung umuwi kami dito, nalaman naman namin na may amnesia parin siya at may hindi naaalala . Ngayon lang namin na realize na ikaw nga ang hindi niya naalala Zach." Nakikinig lang ako kay tita at wala akong maramdaman kundi awa para kay Cassie. Mas lalo lang akong nalulungkot kaya nilapit ko pa siya sakin at halos yakap ko na siya ng buo.

"I'm sorry that we had to do this. We need to do this." Humahagulgol na si tita sa kakaiyak .

Sa buong byahe kinwento sakin ni tita lahat at mas lalo pakong nakaramdam ng guilt dahil I hated her when she left me. Pero mas pinili ko parin patawarin siya and wait for her to come back.

Nakarating kami sa hospital kaya nag insist nako na ako na ang magbababa sa kanya. I carried her pababa sa sasakyan papunta sa stretcher and nagmadali na silang dalhin siya sa emergency room.

Amnesia? Matanong nga kay mommy maya or kay kuya about this. Naupo lang ako sa bleachers while kausap nila tita and tito ang isa sa mga doctor at ang dalawang doctor naman ay pumasok na .

Perfect Beauty (Perfect Series #1)Where stories live. Discover now