CHAPTER 19

25 2 0
                                    

Maleia's POV

I got worried kanina kay Zach . Alam kong may hindi siya sinasabi sakin. Pinaka ayaw ko sa lahat ay may umiiyak na lalake sa harapan ko. Pinipiga ang puso ko.

Ayaw ko pa sanang umuwi kanina dahil hindi pa siya okay pero baka kailangan niyang mapag isa. Hanggang makapasok at makahiga ako sa kama ko ay iniisip ko parin si Zach. Ang sabi niya ay pinapatawag siya sa HQ nila. Pinagalitan kaya sya?

Nawala lang lahat ng iniisip ko ng mag dinner kami. Kompleto kami kaya nangungumusta parin sila daddy.
Nang matapos ay umakyat agad ako sa kwarto ko para mag cellphone. Wala namang importantent message kaya nag scroll nalang ako sa social media accts ko.
It's friday night kaya puro night outs ang stories na nakikita ko. Naisipan kong ituloy na gawin ung tiktok trend na gusto ko tuloy bored naman ako. Naglagay lang akong make up and nag ayos para dun. Naka daming drafts pero nakapili din ako ng ipopost ko. Mahigit isang oras ko din pinaghirapan yun. Syempre dapat maganda dahil 1st post ko yun. Ngiti ngiti pa ako nung napost ko na ng biglang mag ring ang phone ko. I smiled when I saw Zach's name.

"Hi." Sagot ko sa call.

"M-Maleia? Si... Si Maleia ba to?" Biglang nangunot ang noo ko sa narinig ko. Tiningnan ko pa ulit ang name ng caller baka namalikmata lang ako. Tama naman, name ni Zach .

"W-Who's this?" I responded.

"S-Sorry sa disturbo. Si Zephyr to. Bestfriend ni Zach. Alam kong gabi na pero pde ka bang pumunta dito sa Elixirs? Si.. Si Zach kasi ... Lasing na lasing.. Hinahanap ka. Hindi namin siya pdeng iuwi ng ganito." Bumilis ang tibok ng puso ko sa narinig ko. Si Zach? Lasing? Kakahatid niya lang sakin kanina and sabi niya uuwi na siya. I knew it. Something's wrong.

"O..Okay. I'm coming." Nagmamadali na ko and inend na ang call. Tiningnan ko lang ang sarili ko sa salamin. Pang korean ang outfit ko , medyo maikli pero wala na akong oras para magbihis and magtanggal ng make up.
Kinuha ko ang purse ko and nagmadali ng bumaba. Walang tao sa sala kaya lumabas na ko. Itetex ko nalang si Kai mamaya kung nasan ako.

Binawalan akong mag taxi nila mommy , pero I have no choice. Buti nalang at medyo matanda na ung driver. I haven't entered Elixirs or any bars because I'm a minor . Bahala na lang mamaya. Malapit na kami at rinig ko na ang ingay sa mga bars . Madami ring tao syempre kasi nga friday. I paid the driver and tinawagan ko yung number ni Zach. Naka ilang rings pa ito bago may sumagot.

"I'm here. Can you help me enter? I'm still a minor." Pahina ng pahina ang boses ko. I whispered the last word I said.

Pinatay agad nung nasa line ang call and nagpalinga linga nalang ako sa mga tao sa labas. Nasasagi ako ng mga dumadaan kaya mas gumilid pa ako. Kita ko ang mga groups of friends na mga lasing ng naglabasan sa bar. May nakita din akong babaeng sa sobrang kalasingan ay buhat buhat na nung isang lalake. I can't imagine aabot ako sa ganyan.

Halos mapatalon ako ng may humawak sa siko ko.

"Sorry to startle you. Cassie right? I'm Archer, Zach's cousin. Inutusan ako ni Zeph na sunduin ka dito." Lumayo ako nung una pero na relax din ng nalaman kong pinsan niya pala. I nodded at him.

"Sumabay ka lang sa acting ko at huwag kang magpahalata." He added and guided me to the entrance. Lumayo ako saglit ng inakbayan niya ko.

"Relax." Bulong niya sakin and naglakad na kami papasok. Halos hindi ako huminga nung hinarangan kami ng mga guards. Tumingin sila sakin kaya napahawak ako agad sa likod nung Archer.

Perfect Beauty (Perfect Series #1)Where stories live. Discover now