NINETEEN

8 0 0
                                    

[JUNGKOOK POV]

Di ko alam kung paano sisimulan ang usapan namin. Hindi ko naman pwedeng itanong agad sa kanya. Pwede kong isegway pero dapat di halatang masyado akong interesado kay Jennie at Kai.

Umupo muna kami dito sa isang pa box na semento at humarap sa sunset. Saka ko nilabas sa supot yung mga pagkain na dala ko.

"Nakain ka ba neto?" tanong ko habang nilalagay sa tabi nya yung pagkaing nabili ko

"Oo naman" sagot naman nya at binuksan yung pagkain.

"Onga pala Jungkook, salamat dahil ansaya ko nung nag beach tayo" sambit nya

Mabuti naman napasaya ko sya, sana hindi sya napagalitan ng magulag nya.

"Buti nalang wala sila Mommy nung umuwi ako, kundi lagot ako" sabi nya habang kinakain yung banana que.

Napatigil naman ako dahil naalala kong nandun yung mama ni Sehun nung araw na yon. Hindi ako sigurado kung nagsumbong yun sa mama ni Lisa.

"Teka, nasaan pala ang Mommy mo ngayon?" paninigurado ko

"Hindi parin sila nakakauwi" sagot nya.

Fuck, baka pag uwi ng mama nya saka sya pagalitan. Hindi maaari to, malalagot sya at dahil yun sa mga ginawa ko.

"Lisa, may natanggap ka bang call or message from your parents after ng beach natin?" tanong ko ulit

"Parang wala naman, I think hindi sinabi ng Mom ni Sehun kay Mommy ang nangyari"

Teka, bakit naman kaya? Kung ako yun, malamang isusumbong ko dahil nagulo ang set up. I still don't get it.

"Bakit Jungkook? Nag aalala ka bang baka pagalitan ako?" tanong nya

Tumango naman ako habang nakatungo.
Nag aalala talaga ako para kay Lisa.

"Kapag nalaman ng magulang mo yung nangyari, anong gagawin mo?" tanong ko.

"Pag nalaman nila yun, siguradong abot langit ang galit nila sakin. Hindi ko alam ang gagawin ko pag nangyari yun. Natatakot akong baka gawin nila sakin yung katulad ng ginawa nila kay Kuya" malungkot nyang paliwanag.

"Wag kang mag alala, hindi mangyayari yun" sabi ko at tinap ang likod nya.

[JENNIE POV]

Ambagal naman ng mga to umakyat ng hagdan. Gusto ko na malaman kung anong ginagawa nila Lisa at Jungkook sa rooftop.

"Hurry up!" pabulong kong sambit sa kanila.

"Sure ka ba dito, Jennie?" tanong ni Rośe

"Baka mahuli nila tayo" isa pa to si Jisoo

"Sshh, sisilip lang tayo" sabi ko at narating na namin ang pinto papuntang rooftop.

Dahan dahan namin itong binuksan para makita at marinig namin sila.

"Damn, Rośe! My hair" sabi ko dahil nagigitgit nila ako.

They're just sitting on a plain box and eating. I can't hear their conversation enough but I'll take a picture of them.

"Let's go" sabi ko at bumaba na kami.

"Already?" angal ni Jisoo

"Andito na tayo, makinig na tayo" suggest ni Rose.

"Kung mangyari yun, hindi ko na siguro kita makikita. Magiging limitado ang lahat or  mas lalong lumala ang paghihigpit nila" - Lisa

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 20, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Fight for Love [LISKOOK]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon