FOUR

82 4 0
                                        

[LISA POV]

Nagulat nalang ako ng may biglang kumalabit sakin kaya tinanggal ko ang nakasalpak na earphone sa tenga ko at lumingon sa kumalabit sakin.

"Pasensya na po, bawal po tumambay ang estudyante dito" mahinahong sambit ni Manong Guard kaya naman tumayo na ako saka lumabas ng auditorium.

Ang inaasahan kong lugar na walang tao at tahimik na sandali ay naudlot dahil kay Manong guard.

Minsan mapapaisip ka nalang na hindi lang pala mga teacher ang nakakainis sa school, pati narin guard. Guard na walang sawang kukunan ka ng i.d at sisitahin ka sa mga bagay na gagawin mo.

Saan na ako ngayon tatambay? Matagal pa matatapos ang time ni Ma'am Santos sa room namin.

Isang oras pa, bago ulit ako tuluyang makapasok sa susunod na subject. Hala paano kung mag quiz sila ngayon, naku naman.

Kaninong utak ba kasi ang nag iisip kay Jungkook? Malamang sakin, kaya kasalanan ko to.

Mag canteen nalang kaya ako, tutal gutom nanaman ako, dami ko ng nakain kaninang break time pero gutom parin ako.

Kaya naman tumungo na ako sa aming canteen at bumili ng makakain.

Pumila na ako saka bumili ng banana milk at ice cream sandwich na matcha flavoured. Sweets 💖

Nailagay ko na sa aking tray ang mga pagkain saka ako humanap ng bakanteng mesa para dun kumain.

Mukhang wala akong mauupuan dito sa loob ah pero meron naman sa labas kaya tumungo na ako sa exit.

Paglabas ko palang ng pinto ay nagulat nalang ako sa sumunod na pangyayari.

Lahat ng binili ko ay nagliparan (pota may pakpak) ng mabangga ako ng isang lalaking tumatakbo.

Kasabay ng mga pagkaing nahulog ay pati ako, ngunit nasalo ako ng lalaking may dahilan kung bakit nangyari to.

"Jungkook" sya pala ang nakabangga at sumalo sakin.

Tinayo nya ako at kinuha ang mga nahulog kong pagkain.

"Ayos ka lang ba?" nag alala nyang tanong ngunit ako naman ay nasa estado parin ng pag ka shookt sa mga nangyari.

"Oo a-ayos lang ako" sagot ko at pinakitang ayos lang ako kahit ang totoo nyan gusto ko na syang sakalin dahil yung mga pagkain ko nahulog sa sahig dahil sa kanya.

"Sumama ka sakin" walang anu-ano ay hinila nya ako. Teka yung mga pagkain ko.

"Saan mo ako dadalhin?" hingal kong tanong habang tumatakbo parin kami

"Basta" sagot lang nya.

Bakit ganto?

Bakit parang wala akong nakikita maliban sa kanya?

Bakit hindi ko marinig ang iba at tanging mga hakbang lang namin ang naririnig ko.

Hoy tulungan nyo ko!

Di ako pwedeng mahulog kay Jungkook!

Hindi pwede Lisa!

Tinigil ko ang kahibangang ito at binawi ang kamay ko kay Jungkook na agad nyang kinagulat at kinatigil namin sa daan.

Bigla namang lumitaw sa likod ni Jungkook sila Jenny na nakatingin sakin.

"Jenny" tanging nasambit ko.

A Fight for Love [LISKOOK]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon