[JUNGKOOK POV]
"Kahit ano pang sabihin mo kailangan mo parin magtrabaho!"
Napamulat nalang ako dahil sa ingay ng galit na nanay ni Taehyung.
Bumangon ako at sinilip sila sa bintana.Pinaghahampas ng tabo si Taehyung at nakakalat ang mga damit sa labas ng bahay nila. Habang nag chichismisan ang iba naming kapitbahay dahil sa eksena ng mag ina.
"Puro ka nalang tambay at inom! Wala ka ng naiambag sa pamilyang to kundi puro kagaguhan!" sigaw ng nanay nya.
"Bakit!? Kayo nga puro sugal kaya nalugi negosyo natin!" pananagot ni Taehyung.
May negosyo sila dati, nagbebenta sila ng mga tig 10 na gamit, pero nasunog yung pwesto nila sa plaza kaya ayan, natigil rin sa pag aaral si Taehyung.
"Talagang sumasagot ka pa!"
"Ma wag po! Aray!"
Hinayaan ko nalang sila at nag pokus na sa aking sarili. Timpla lang ng kape, para mainitan manlang ang tyan, saka ako naligo.
Habang ako ay abala sa paglilinis ng katawan ay sakto namang may kumakatok sa pinto.
"Bwiset sino ba yun?" inis kong hinugot ang tuwalya at binalot sa bewang saka lumabas ng banyo at tinignan kung sino ang kumatok.
"Jungkook tulungan mo naman ako makahanap ng trabaho" umiiyak na sambit ni Taehyung.
Napakamot nalang ako sa ulo dahil sa kanya.
-----------------------
"Ayos tong polo na pinahiram mo sakin! Mukha akong papasok sa opisina, o di kaya sa prom night. Ang linis ko tignan, matatanggap agad ako nyan" puri ni Taehyung habang naglalakad kami papuntang Taft Avenue.
"Basta, kapag ininterview ka, ayusin mo sagot mo tsaka mag english english ka kahit konti" paalala ko.
"Panong engrish? Parang ganto ba. Ehem.... Nice to meet you, lets shit down, I Taehyung at your service, im kind not road. I Thank you, you're wercome. Yes, no." proud na proud nya pang sinabi yan sa pila ng ticket na napakaraming tao. Rush hour again.
"Siguro dapat magtagalog ka nalang, yung malalim, para mamangha sila sa pagka pilipino mo." sambit ko at bumili na ng ticket.
----------------------
"Sir, sya po ang kababata ko. Si Taehyung, gusto nya po sana maging waiter din dito" pakilala ko kay Taehyung.
"Magandang Umaga Ginoong...?" Taehyung ano yan.
"Ginoong Martin" sagot ni Sir at nagkamayan sila ni Taehyung.
"Isang napaka gandang umaga sa iyo Ginoong Martin, ako po si Taehyung at kinagagalak ko na kayo ay makilala. Nais ko po sana na maging isa sa mga magigiting nyong empleyado sa lugar nato. Kung hindi nyo pa po nalalaman magaling po akong boss"
Parehong nanlaki ang mata namin ni Sir Martin dahil sa huling sinabi ni Taehyung.
"Magaling na boss?" nagtatakang tanong ni Sir Martin.
"Ay Sir, ang ibig sabihin po nya dun eh, balang araw gusto nya din maging boss katulad nyo" palusot ko nalang kay Sir at tumawa naman sya kaya effective.
"Ahahaha, opo ganon po" tawa rin ni Taehyung.
"Nu genagawa mu? Ayusin mo" bulong ko.
"Inaayos ko naman ah, sinunod ko lang yung sinabi mo" bulong nya rin pabalik.
"Ano?"

BINABASA MO ANG
A Fight for Love [LISKOOK]
Fanfiction"𝘽𝙖𝙠𝙞𝙩 𝙝𝙞𝙣𝙖𝙮𝙖𝙖𝙣 𝙣𝙖𝙩𝙞𝙣 𝙢𝙖𝙣𝙜𝙮𝙖𝙧𝙞 𝙖𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙗𝙖𝙜𝙖𝙮 𝙣𝙖 𝙝𝙖𝙗𝙖𝙣𝙜 𝙗𝙪𝙝𝙖𝙮 𝙣𝙖𝙩𝙞𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙜𝙨𝙞𝙨𝙞𝙨𝙞𝙝𝙖𝙣" Characters: Jungkook, Lisa, Sehun, Jennie, Kai, other members of BTS and Blackpink