Jungkook's Pov
Natapos ang patak ng luha at unti unti nanamang bumalik sa isip ko lahat ng alaala na aming dinanas.
Flashback...
Baka sabihin ni Jennie kay Lisa kung anong nakita nya. Malamang ano pa nga ba, mag kaibigan sila syempre sasabihin nya yun.
Patay ako ngayon, si Lisa naman talaga ang gusto ko, totoo naman yung nararamdaman ko sa kanya.
Jennie's POV
Paniguradong natutuyo na utak ni Jungkook kakaisip sa kung anong gagawin nya kapag sinabi ko kay Lisa ang nakita ko.
Well, kailangan lang naman talagang sabihin kay Lisa yun dahil ayokong mapunta sya sa kamay ng isang lalaking iresponsable kagaya ni Jungkook.
Isa pa, si Sehun ang dapat nyang pagtuunan ng pansin ngayon hindi ang lalaking yun. Dahil kung hindi, lagot sya sa Mama at Papa nya.
Umakyat na ako ng hagdan dahil babalik na ako sa classroom.
Nang makarating ako sa 3rd floor ay may naririnig na akong parang may nag s-skate board sa hallway.At tama nga ako, talaga merong nag S-skate board. Mga tropa ni Jungkook.
Di ko nalang ito pinansin at tumuloy nalang ako sa pag lalakad patungo sa kanila kung saan andun din ang room ko.
Nakita ko naman ang isa sa kanila na aakmang babanggain ako ng bigla nalang itong kumaliwa at nilagpasan ako.
Abnormal to ah.
"Hoy Mr." tawag ko sa kanya.
Kinuha naman nya ang skate board nya saka lumingon sakin at lumapit.
"Lagot!" sabat ng mga kaibigan nya.
"Hoy Mr. Para sabih--"
"Suga nga pala" saka nya inabot ang kamay sakin.
"Okay Mr. Suga. Kita mong dadaan ako aakmaan mo kong babanggain?" reklamo ko.
"Bakit nabangga ka ba?" patol nya.
"Hindi" sagot ko.
"Hindi naman pala eh, edi walang problema"
"Tama ba namang mag skate board dito sa hallway?"
"Yung pake ko parang dibdib mo, wala" saka nya tinignan ang dibdib ko.
Bastos to ah. Umayos naman ako at pinilit na maging mahinahon.
"Ang hallway na to ay daanan ng tao hindi para pag tricksan ng skate board"
"Bakit, kilala mo ba kung sino ako ha? Alam mo bang ako ang siga dito" saka nya pa nilapit ang mukha nya sakin.
"Wala akong balak alamin kung sino ka, wala akong balak kumalkal ng basura" pambabara ko.
Napakamot nalang sya sa ulo habang nakangisi habang ako naman nilagpasan lang sya at tuluyan ng pumasok sa room.
[LISA POV]
Pag ka alis ni Jennie ay agad pumatak luha ko. Sobrang lungkot, sobrang sakit. Dapat di na nya binanggit yung tungkol sa Kuya nya. Ayokong makasal sa hindi ko naman talaga mahal.
"Wag mo nalang pansinin yung sinabi ni Jenny" sambit sakin ni Jisoo.
"Galingan mo nalang mag aral, alam kong magiging magaling kang boss. Kapag nakagraduate kana, ikaw na magpapatakbo ng company nyo, di mo na kailangan mag pakasal pa kay Sehun" pag papagaan ng loob ni Rose.

BINABASA MO ANG
A Fight for Love [LISKOOK]
Fanfiction"𝘽𝙖𝙠𝙞𝙩 𝙝𝙞𝙣𝙖𝙮𝙖𝙖𝙣 𝙣𝙖𝙩𝙞𝙣 𝙢𝙖𝙣𝙜𝙮𝙖𝙧𝙞 𝙖𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙗𝙖𝙜𝙖𝙮 𝙣𝙖 𝙝𝙖𝙗𝙖𝙣𝙜 𝙗𝙪𝙝𝙖𝙮 𝙣𝙖𝙩𝙞𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙜𝙨𝙞𝙨𝙞𝙨𝙞𝙝𝙖𝙣" Characters: Jungkook, Lisa, Sehun, Jennie, Kai, other members of BTS and Blackpink