[JUNGKOOK POV]
"Hyung may dala ako para sayo" nakangiting sambit ni Taehyung kay Hoseok.
"Ano nanaman yan?" tanong ni Hoseok habang abala sa pagkain ng kanyang fried chicken.
Matapos halungkatin ni Taehyung ang kanyang bag ay tinago nya sa kanyang likod ang supresa nya para kay Hoseok.
"Hyung alam kong magugustuhan mo 'to" di parin maalis ang ngiti niya na tila may ka-hayupan nanaman syang gagawin.
Di nalang sya pinansin ni Hoseok at patuloy lang sa pagkain.
"Isa ka sa mga mahalagang tao sakin Hoseok hyung, kaya hahandugan kita ng iyong paboritong"
Saka nya nilabas ang kanina nya pa tinatago at nilagay sa plato ni Hoseok.
"DAMO!" Sigaw ni Taehyung at pumalakpak.
Nagalit naman si Hoseok at kinuha ang plato nya saka ito sinampak sa mukha ni Taehyung sabay alis.
Hay nako, kailan kaya titino si Taehyung, puro nalang kalokohan nasa utak nya. Yung tipong di namin alam kung anong nasa isip nya dahil kung ano ang kilos nya, kabaliktaran ng nasa utak nya.
Sya ang pinaka mahirap kontrolin samin, sya ang pinaka pasaway at mabagal maka gets.
Sunod naman si Jimin, bukod sa pandak sya, pang unano din yung boses. Mainitin ulo nya lalo na kapag may bastos sa harapan nya.
"Natapos nanaman ang isang episode ng iyong kalokohan Taehyung" dismayadong sabi ni Namjoon hyung.
Yumuko nalang si Taehyung at namuo ang katahimikan sa aming lahat ng biglang...
"WAHAHAHAHAHAHAHAH!" Tawanan naming lahat.
"GAGO KA TAEHYUNG HAHAHA!" tawa ni Jin hyung at tumatalsik pa ang laway.
"DAMO AMPOTA!" sambit din ni Jimin na kulang nalang tumangkad kakatawa nya.
Natawa nalang din ako dahil sa mga sinasabi nila.
[LISA POV]
Ambilis ng kabog ng puso ko hanggang ngayon. Kahit nakaalis na kami sa canteen, kahit wala na sa paningin ko si Jungkook.
Pero nasa isip ko sya ngayon. Kaya naman di ako mapakali habang naglalakad na kami papunta sa classroom.
"Huy Lisa, okay ka lang ba?" nag aalalang sambit sakin ni Rose.
"Anong nangyayari sayo? Tignan mo nagpapawis ka, malamig naman" saka hinawakan ni Jisoo ang leeg ko.
"Si Jungkook ang dahilan nyan" sambit ni Jenny kaya lalong bumilis tibok ng puso ko at pakiramdam ko lalagnatin ako.
"Hindi, okay lang ako" sagot ko sa kanila at nauna ng naglakad papuntang classroom.
Rules namin na walang ma-iinlove or mag bo-boyfriend hangga't di pa nakaka graduate.
BINABASA MO ANG
A Fight for Love [LISKOOK]
Fiksi Penggemar"𝘽𝙖𝙠𝙞𝙩 𝙝𝙞𝙣𝙖𝙮𝙖𝙖𝙣 𝙣𝙖𝙩𝙞𝙣 𝙢𝙖𝙣𝙜𝙮𝙖𝙧𝙞 𝙖𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙗𝙖𝙜𝙖𝙮 𝙣𝙖 𝙝𝙖𝙗𝙖𝙣𝙜 𝙗𝙪𝙝𝙖𝙮 𝙣𝙖𝙩𝙞𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙜𝙨𝙞𝙨𝙞𝙨𝙞𝙝𝙖𝙣" Characters: Jungkook, Lisa, Sehun, Jennie, Kai, other members of BTS and Blackpink
![A Fight for Love [LISKOOK]](https://img.wattpad.com/cover/114209839-64-k852940.jpg)