♡ VOTE AND COMMENT ♡
[JUNGKOOK POV]
Iniwan na kami ni Lisa ditong dalawa na nasa gitna ng hallway. Napaka kupal kasi ng lalaking to biglang sumusulpot.
"Jungkook, binabalaan na kita na wag mong lalapitan si Lisa dahil sakin na sya" sabi nya.
Napakuyom nalang ako ng wala sa oras. Gusto ko syang sapakin hanggang masira ang pagmumukha nya. Pero kailangan kong umayos, ayokong masira nanaman imahe namin sa school lalo na kay Lisa, kaya pinigilan ko ang sarili ko.
"Lalo mo lang akong binibigyan ng dahilan para wag sumuko kay Lisa. Ayokong mapunta sya sa isang katulad mo Sehun" sabi ko
"Mawawalan din ng saysay ang lahat ng gagawin mo dahil sakin din ang bagsak nya" sambit nya.
"Hindi mangyayari yun dahil gagawin ko ang lahat. Sisisguraduhin kong sakin mapupunta si Lisa" sabi ko at umalis na.
[JENNY POV]
I heard the news. Sinasabi ko na nga ba, talagang ginagawa ni Jungkook ang lahat para kay Lisa. But in the end it doesn't even matter. Si Sehun parin ang papakasalan ni Lisa.
"Jenny, sama ka ba? Mag shoshopping kami ni Jisoo" sabi sakin ni Rose.
"Im sorry, I have something to do" sambit ko kaya naman umalis na sila
Hinintay ko naman na tuluyan na silang umalis. Saka ako tumawag ng taxi at sumakay na.
Makalipas ng byahe ko ay bumaba na ako at hinarap ang isang eskinita.
"Wala paring nagbabago" sambit ko at pumasok na sa loob ng eskinita.
Hanggang sa marating ko ang isang gate ng isang apartment dito, saka ako pumasok sa loob.
Hanggang ngayon hindi parin nawawala sa alaala ko ang lahat ng nangyari dito. It was a tragedy, kaya siguro naging ganto ako.
Naging matigas ang puso ko at mailap sa mga tao. I always wanted to be alone, until I forgot to be myself.
Umakyat ako sa second floor at pinuntahan ang dulong pinto. Lahat ng mga memories sa lugar nato, natapos na pero parang nakikita ko parin sila.
Yung mga tawanan, kulitan, mga pagdating ng mga kaibigan nya hanggang sa pag uwi nilang gumegewang pa. Lahat sila sabog pero ako nanatiling tahimik lang sa gilid. Saksi ako sa lahat ng mga ginawa nilang illegal.
Tumapat ako sa harap ng pintuan. Napahawak nalang ako sa pinto at napaluha ng walang sa oras.
Kahit masakit, kahit saktan nya ako ng ilang beses nun, hindi ko sya iniiwan, hindi ako bumibitaw. Kasi mahal na mahal ko sya.
But, that love was too much. I loved him to the point that I can't love myself. Hindi ko alam bakit ako nabaliw sa pag ibig.
Ang taong kanina ko pa tinutukoy ay si Kai. Last time na nagkita kami ay nung pinakulong sya nila Mom dahil sa pananakit nya sakin. At simula nun wala na akong balita tungkol sa kanya, at pati mga kaibigan nya ay di ko narin alam kung asan.
After lahat ng nangyaring yun ay pina deact ni Mom lahat ng socials ko, inilipat nya ako ng school yun na yung school ko ngayon. Lahat nagbago, nagsimula ulit ako sa umpisa. Pinilit kong mawala lahat ng sakit at alaala.
Bago ko makilala si Kai, isa akong mabait at masayahin nun, until makilala ko sya at naging sutil ako, suwail na anak, namulat sa mga bagay bagay. At ngayon di ko na alam kung ano na ba ako. Ako na ba talaga to.
Sana mahanap ko yung talagang ako. Sana maibalik ko pa yung kasiyahan na meron ako, yung walang Kai, walang inuman, wala lahat ng kalayawan. Gusto kong sumaya ng hindi alak ang gamit. Sana mahanap ko yung totoong magpapaligaya sakin.
BINABASA MO ANG
A Fight for Love [LISKOOK]
Fanfiction"𝘽𝙖𝙠𝙞𝙩 𝙝𝙞𝙣𝙖𝙮𝙖𝙖𝙣 𝙣𝙖𝙩𝙞𝙣 𝙢𝙖𝙣𝙜𝙮𝙖𝙧𝙞 𝙖𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙗𝙖𝙜𝙖𝙮 𝙣𝙖 𝙝𝙖𝙗𝙖𝙣𝙜 𝙗𝙪𝙝𝙖𝙮 𝙣𝙖𝙩𝙞𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙜𝙨𝙞𝙨𝙞𝙨𝙞𝙝𝙖𝙣" Characters: Jungkook, Lisa, Sehun, Jennie, Kai, other members of BTS and Blackpink
![A Fight for Love [LISKOOK]](https://img.wattpad.com/cover/114209839-64-k852940.jpg)