[LISA'S POV]
Bakit ba nandito yan lalaking yan, anong tingin nya sakin, pwede lang nyang pasunurin katulad ng mga babae nya.
"Baka nakakalimutan mo kung anong meron tayo" nakangisi nyang sabi.
"Sehun umalis kana bago pa ako tuluyang magalit sayo" saka ko sya nilagpasan pero pinigilan nya ako
"Susunod ka sakin sa ayaw at gusto mo dahil akin ka na" sabi nya
Binawi ko naman ang kamay ko.
"Tandaan mo, hindi pa huli ang lahat para makagawa ng paraan ang mga magulang ko. At higit sa lahat wala tayong pinirmahan na kasunduan para sabihin mong sayo ako" sabi ko"Anong kasunduan yung sinasabi nyo?" pakikisali ni Jungkook.
Tinignan ko lang sila at umalis na ako. Dahil wala na akong balak pag usapan ang bagay na yun.
[JUNGKOOK POV]
Pag alis ni Lisa ay hinarap ko sila Jisoo.
"Sabihin nyo nga sakin, anong kasunduan yun?" Tanong ko sa kanila.
"Alam mo Jungkook, mas mabuti kung si Lisa nalang ang magpapaliwanag sayo" sagot ni Rose
"Gusto mo talagang malaman yung totoo Jungkook?" sabat ni Sehun kaya sa kanya naman ako humarap.
"Oo Sehun"
"Ang totoo nyan Jungkook. Ako at si Lisa ay ikakasal sa ayaw at gusto nya, walang sinuman ang pwedeng makapigil nun, maski ikaw pa yun Jungkook" sagot nya.
Sa sobrang pikon ko ay kinwelyuhan ko sya at dun na nag kagulo.
"BAKIT NYO GINAGAWA TO KAY LISA!? SINO KAYO PARA KONTROLIN ANG DESISYON NYA, ANG BUHAY NYA!?"
"Jungkook tama na!" awat nila Hyung sakin.
Hindi pwedeng ginaganto lang nila si Lisa. Habang buhay nyang pagsisisihan lahat ng mga to at ayokong mangyari yun sa kanya.
Nagpaawat na ako dahil kita ko na ang pagkawalan nya ng hininga dahil sa kwelyo nyang di ko binitawan.
"HINDING HINDI KO HAHAYAANG MAPUNTA SI LISA SA KAMAY NG ISANG LALAKING IRESPONSABLE AT MAKASARILI KATULAD MO!" huling kong sambit sa kanya at tuluyan na akong umalis dun.
[LISA POV]
Wala na, alam na ni Jungkook yun panigurado. Ayoko na sobrang lungkot ko ngayon. Nawalan ako ng gana sa buhay ko.
Teka, ano naman kung nalaman ni Jungkook. Wala naman syang kinalaman dito at hindi na importante ang opinyon nya.
"Hindi mo ba kailangan ng kasama ngayon?" alam ko na agad kung sino yung nag salita pero wala aking balak humarap.
"Hindi mo ba talaga ako lilingunin?" wala paring epekto.
"Lisa mag usap nga tayo" hinarap na nya ako sa kanya.
"Ano pa bang pag uusapan natin Jungkook, sigurado sinabi na ni Sehun sayo ang lahat" sambit ko.
Nanahimik kami ng ilang segundo saka ulit nya nag salita.
"Gusto mo mag club?" tanong nya.
"Ano!?" di makapaniwala kong tugon.
"Mag club tayo, lika sumama ka sakin" saka nya ako hinila paalis.
Hinayaan ko nalang syang dalhin ako sa kung saan man nya gusto. Sige Jungkook, libre ako ngayong araw nato, dahil mo ko kahit saan, gawin natin kahit ano, ilayo mo muna ako sa lungkot at lumbay ko.

BINABASA MO ANG
A Fight for Love [LISKOOK]
Fanfiction"𝘽𝙖𝙠𝙞𝙩 𝙝𝙞𝙣𝙖𝙮𝙖𝙖𝙣 𝙣𝙖𝙩𝙞𝙣 𝙢𝙖𝙣𝙜𝙮𝙖𝙧𝙞 𝙖𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙗𝙖𝙜𝙖𝙮 𝙣𝙖 𝙝𝙖𝙗𝙖𝙣𝙜 𝙗𝙪𝙝𝙖𝙮 𝙣𝙖𝙩𝙞𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙜𝙨𝙞𝙨𝙞𝙨𝙞𝙝𝙖𝙣" Characters: Jungkook, Lisa, Sehun, Jennie, Kai, other members of BTS and Blackpink