[LISA'S POV]
Nagulat nalang ako sa pag bulagta ng lalaki matapos syang suntukin ni Jungkook. Ang lahat ng nasa paligid ay naki isyoso sa nangyari.
Bigla namang nag sulputan ang mga tropa neto.
"Pre, ayos ka lang ba?" pag aalala nila sa lalaki.
"Wala ka naman pre eh, isang suntok lang sayo bumagsak ka na!" pang aasar pa ng kasama nya
Ang isa sa kanila ay lumapit kay Jungkook
"Ano bang problema mo, bakit mo sinuntok yung kaibigan namin" maangas netong sabi."Bagay lang sa kaibigan mo yung nangyari sa kanya, wag nyang mahawak hawakan ang girlfriend ko!" sagot ni Jungkook
"Aba! Iba pala to eh! Kung ayaw mong may hahawak sa girlfriend mo, itali mo sya ng mahigpit sayo" sambit ng lalaki at inakay na nila paalis ang tropa nila. Mabuti naman at di na sila nakipag away pa.
Tumingin naman sakin si Jungkook.
"Sinabihan na kita, wag kang mawawala sa paningin ko!" inis nyang sabi."Eh bakit ba? Gusto ko sumayaw eh" sagot ko.
"Pwede kang sumayaw, basta kasama ako! Hindi yung basta basta mo nalang gagawin yung gusto mo!" pantataas nya ng boses
"Wag mo kong sigawan!"
"Dahil mali yung ginawa mo!"
"Ako pa talaga yung mali? Sino bang lumapit sakin diba sya"
"Umuwi na tayo, ayokong nag kakaganyan ka" saka nya ako hinila paalis ng club.
Pag labas namin ng club ay di parin ako matigil sa kakaputak ko sa kanya.
"Sino ba kasing tanga nag punta sakin dito?" sambit ko.
"Imbes kasi na ihatid nalang ako pauwi dito pa ako dinala" di ko mapigilan bibig ko kakasalita
Tahimik lang sya habang nag aabang kami ng taxi dito sa kalsada kung saan malayo na sa club.
"Napaka gulo ng buhay nato lalo mo pang ginulo! Di naman kasi ako nainom dinala dala mo pa ako dun! Tignan mo nangyari sakin!"
Wala parin syang imik at ako nalang pala ang maingay dito sa daanan.
Sakto naman may dumaan na taxi at pinara nya. Pinagbuksan nya naman ako ng pinto saka kami sumakay.
"Kung sira na buhay mo wag mong idamay yung akin! Wag mo kong itulad sayo na pariwara ang buhay!" sambit ko habang dinuduro duro sya.
"Pwede ba tumigil ka ng kakasalita?" naiirita nya ng sabi sakin.
"Bakit naman ako titigil? Bibig ko to!"
"Sumosobra ka na sa pananalita mo! Una sa lahat pinaalalahanan kita kung ano ang tama at mali, malaki ka na dapat may disiplina ka lalo na sa ganong lugar. At ano pang sinabi ko sayo, diba kung gusto mong sumayaw sa dancefloor dapat kasama mo ko. Pero anong ginawa mo, ginawa mo parin kung ano yung gusto mo, yung kung ano sa tingin mo tama lang para sayo. Muntik tayong mapaaway kanina nakakahiya" sabi nya
"Eh bakit? Sino bang sumuntok sa lalaki ako ba?" sabi ko
"Ewan ko sayo, ayusin mo sarili mo at yang pangangatwiran mong wala sa tama. Boss dito nalang po ko, eto po bayad nya keep the change" sabi nya saka bumaba ng taxi.
Pagbaba nya ay nilakasan nya pa ang pag sara ng pinto. Ansama pa ng tingin sakin bago sya umalis ng tuluyan.
Edi umalis ka, kaya kong umuwi mag isa. Di kita kailangan Jungkook, di kita kailangan!

BINABASA MO ANG
A Fight for Love [LISKOOK]
Fiksi Penggemar"𝘽𝙖𝙠𝙞𝙩 𝙝𝙞𝙣𝙖𝙮𝙖𝙖𝙣 𝙣𝙖𝙩𝙞𝙣 𝙢𝙖𝙣𝙜𝙮𝙖𝙧𝙞 𝙖𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙗𝙖𝙜𝙖𝙮 𝙣𝙖 𝙝𝙖𝙗𝙖𝙣𝙜 𝙗𝙪𝙝𝙖𝙮 𝙣𝙖𝙩𝙞𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙜𝙨𝙞𝙨𝙞𝙨𝙞𝙝𝙖𝙣" Characters: Jungkook, Lisa, Sehun, Jennie, Kai, other members of BTS and Blackpink