SEVEN

114 5 2
                                    

[JUNGKOOK POV]

Nagkatinginan kami ng ilang segundo at kitang kita ko ang maluha luha nyang mata na tila di makapaniwala sa nakikita nya

"Lisa" saka ko sya pinunasan ang pumatak nyang luha

"Lisa, pwede bang akin ka nalang ulit?" tanong ko.

Ngumiti naman sya at hinalikan ako ng sampung segundo saka nya ulit ako tinignan.

"Matagal na akong iyo, Jungkook. Ang buong puso at katawan ko ay iyong iyo lang, mula noon hanggang ngayon, mahal na mahal parin kita" kasabay non ang pag guhit ng ngiti sa kanyang labi.

Dahil sa sinabi nya ay parang isang malaking tinik sa dibdib ko ang natanggal. Hindi ko maipaliwanag kung gaano ako binigyan ng pag asa sa buhay dahil sa sinambit nya.

"Mahal na mahal din kita" sambit ko at di ko na napigilan ang sarili na umiyak

"Sobrang namiss kita, Jungkook" sabi nya

Sana tama yung naririnig ko ngayon, sana hindi panaginip lahat ng to. Sobrang hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari.

Kasi simula dati wala nang pag asa na makikita ko pa sya, nagbabakasakali nalang ako na magkasalubong kami kung saan, pero alam kong di ko na sya malalapitan.

Masakit isipin na hindi ko nagawa yung mga pangako ko sa kanya. Na hindi ko sila naprotektahan, silang dalawa.

Gugustuhin ko nalang maulit ang lahat sa umpisa, yung mga panahong hindi kami magkakilala. Baka sakaling hindi kami nagkaroon ng gantong kasakit na pangyayari.

"Sobrang masaya ako ngayon" sambit nya at patuloy lang kaming lumuluha sa isa't isa

"Lisa, pinag sisisihan ko lahat lahat. Sana mapatawad mo ako sa mga hindi ko nagawa para sayo" Pinunasan nya naman ang luha ko

"Hindi ko kayang hindi ka patawarin. Kahit gaano kasakit yung nangyari dati. Hindi ko kayang magtanim ng sama ng loob sayo." sabi nya

"Hindi ko kayo naprotektahan. Hindi ko nagawa yung tama. Pasensya kana, Lisa."

"Nasaktan ako ng sobra sobra sa nangyari, pero hindi ibig sabihin non na hindi na kita mahal. Kasi mahal na mahal kita, Jungkook"

"Sana sinasabi mo yan hindi dahil lasing ka ngayon" sambit ko

"Lasing man ako o hindi. Ikaw lang ang gusto ko" sambit nya

Nag ring naman ang cellphone ko kaya naputol ang usapan namin ni Lisa.

"Saglit" saka ko kinuha ng cp ko at nakita kong si Nancy ang natawag.

"Sagutin mo muna" sabi ni Lisa

Sinagot ko naman ito at lumabas muna ng kwarto.

"Jungkook asan kana ba? Lasing na itong dalawa at hindi ko alam gagawin ko" rinig ko pa ang boses nila Taehyung at Bobby na nag dedebate.

"Pasensya na, may nangyari lang saglit kaya nawala ako. Hindi na ako makakabalik dyan kaya ganto gawin mo. Si Taehyung at Bobby ipasakay mo sa taxi tas isesend ko sayo yung address ng apartment ko. Alam naman na ni Taehyung buksan room ko, dun muna sila ni Bobby. Ikaw din mag taxi kana pauwi sainyo. Babayaran ko nalang lahat bukas. Pasensya kana" sambit ko.

"Ang hirap naman magbibit sa dalawang to..."

"Hoy Jungkook! Kingina mo, bat mo kami iniwan ha!? Ayoko na maiwan!!!!" rinig kong sabi ni Taehyung.

A Fight for Love [LISKOOK]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon