SEVENTEEN

30 1 1
                                    

[LISA POV]

"Salamat Jungkook" sambit ko bago ako tuluyang bumaba ng van at magpaalam sa kanila.

Naglakad na ako papunta sa bahay, bawat hakbang ay sya naman kabog ng aking dibdib. Handa na ako para sa mga parusang dadanasin ko.

Pag pasok ko sa loob ay nakita kong wala ang kotse nila Mom, baka umalis sila.

"Manang, asan po sila Mom?" tanong ko.

"Umalis po kaninang madaling araw, may flight daw po sila papuntang Singapore" sagot neto kaya naman nawala ang kabang nararamdaman ko.

"Ganon po ba, salamat po" sambit ko at pumasok na ng matiwasay sa loob.

[SEHUN POV]

Monday nanaman at nakakatamad ng pumasok. Gusto ko nalang humilata dito sa kama at wag ng bumangon.

Pero naalala ko may sasabihin pala ako kay Lisa kaya naman bumangon na ako at nag ayos.

Pagtapos kong mag ayos ay chinat ko si Lisa na magkita kami sa may empty room sa 2nd floor dahil may sasabihin ako sa kanya

Alam kong sya lang makakatulong sakin at kay Ate. Sana naman makinig sya kay Lisa para din yun sa ikabubuti nya.

Kung alam nyo lang ang itsura ni Ate nung umuwi sya dito matapos sila mag sama ni Kai. Puro pasa sya at ampayat nya, nakakaawa syang tignan at halos di na namin sya makilala.

Ayoko ng makita ulit si Ate na umiiyak gabi gabi, halos mabaliw din sya, hanggang sa nag daan ang araw ay nakakayanan nya narin kaso biglang naging cold ang attitude nya sa mga tao.

[JENNY POV]

Nakapag ayos na ako para pumasok sa school ng mag chat si Kai na sya daw mag hahatid sakin ngayon sa school.

Paglabas ko ng kwarto ay saktong lumabas din si Sehun ng kwarto nya. Para syang nagulat na nakita ako dahil sa reaksyon nya

"Sabay na tayo?" tanong nya

"Yeah, ano pa nga ba" sambit ko at di na pinansin ang reaksyon nya.

"Jenny, Sehun. Ready for school? Ihahatid ko na kayo" sabi ni Mom

"Wait Mom, wala ba kayong work today?" tanong ko

"May imemeet lang akong friend sa coffee shop.  Isasabay ko narin kayo. Let's go, no more buts" sabi ni Mom at lumabas na ng pinto.

Paano na si Kai, balak nya akong ihatid din papasok sa school pero nag iba ang nangyare.

Di ako pwedeng huminde kay Mom, baka mag hinala sya at hindi nya pwedeng malaman na nagkikita na ulit kami ni Kai.

Habang nasa byahe kami ay hindi tumitigil ang cellphone ko sa kaka notif kaya naman ni silent mode ko na ito.

Puro message ni Kai

"Babe, wer u?"

"Im here babe, look at your window"

"Are u still doing ur makeup?"

Rereplyan ko na dapat sya ng mag ring cp ko.

"Ate may natawag ata sayo" sabi ni Sehun dahil nakita nya ang screen ko.

"What's that?" lingon ni Mom

"It's just Lisa" pilit kong ngiti

"Si Lisa pala, answer her" sambit ni Mom

"I'm gonna to talk to her later nalang" sagot ko nalang at nangninginig pa ang daliri ko ng ioff ang cp ko.

I'm so sorry Kai, di talaga pwede ngayon. Im doing this for us, gusto kitang makasama ng hindi nila nalalaman.

A Fight for Love [LISKOOK]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon