VOTE AND COMMENT 🌹
[JUNGKOOK POV]
Di ako makatulog, iniisip ko parin si Lisa. Paano kung hinahanap na sya ng mga magulang nya ngayon. Kinakabahan ako na baka lalong gumulo ang sitwasyon dahil sa ginawa ko. Gusto ko lang naman makasama si Lisa ngayong Valentine's Day, kaso parang may di magandang mangyayari.
"Jungkook matulog kana" kalabit naman sakin ni Suga.
Rinig na rinig ko ang hilik nila, anlalakas na parang di kana makakatulog. Kaya naman bumangon ako at lumabas ng kwarto.
Pumunta ako sa dalmpasigan, tamang pahangin at bato bato lang sa may dagat. Nakakita naman ako ng kahoy na mauupuan kaya umupo ako dun.
Iniisip ko kung paano ko rin nagawang makapunta ng Regelantes Gate Hotel. Napaka hirap din ng ginawa namin, yung plano namin lahat ng yun biglaan.
[Flashback]
May sinabi si Suga samin na magkakaroon daw ng romantic date si Sehun at Lisa. Syempre sabi nila punta daw kami, magpanggap daw kaming kaibigan ni Sehun at pupunta dun.
"Yan ang plan A natin" - namjoon
Pero dahil masyado kaming marami, kaya naman may dalawang nag bantay ng mga nangyayari sa paligid, yun ay si Jin at Namjoon na naka pwesto sa may lobby at labas ng hotel.
"Ano ng balita dyan?" -Namjoon
"Wala pa akong nakikitang Sehun dito" -Jin
"Mag masid ka ng mabuti, di tayo pwedeng mahalata ng kahit sino" -Namjoon
"Yes, master" -Jin
Naka formal attire kami ni Taehyung at Jimin. Habang si Suga at Hobi naka pang guard na attire. Sila ang kunwaring body guard namin para mas mag mukha kaming VIP.
Sabi ni Jin, 8pm na daw wala parin ang kotse ni Sehun kaya naman nagbago ang plano.
"8pm na at di ko parin nakikita si Sehun dito. Kailangan na natin ng Plan B" - Jin
"Wait lang nag iisip na ako ng plan b natin, steady lang kayo" -Namjoon
Sabi ni Namjoon narinig nya daw yung mga staff na lumabas ng garden area na di pa daw dumadating si Sehun at di pa naman daw nila alam ang itsura ni Sehun kaya naman dinescribe ng isa nilang kasama na gwapo daw si Sehun.
"Anong oras na wala parin si Sir Sehun" -staff 1
"Baka naman nandito na nag CR lang" -staff 2
"Hoy, balita ko gwapo daw si Sir Sehun" -staff 3
"Edi pag may nakita tayong gwapo dito ibig sabihin si Sir Sehun na yun" -staff 1
"Ang tanong, may nakikita ka ba ngayon gwapo?" -staff 2
Dahil dun nagkaroon ng ideya si Namjoon na magpanggap daw akong si Sehun. Nung una sobrang kinabahan ako dahil di ko naman alam kung paano ko sila mapapaniwalang ako si Sehun.
"Jungkook, naririnig mo ba ako?" -Namjoon
"Plan B is on. Humanda kana, dahil magpapanggap kang si Sehun. You should act like you're the real Sehun. Be confident at pag may tinatanong sila likuan mo lang. Ikaw na ang bahala. Ikaw si Sehun, gwapo, mayaman at kaya mong gawin lahat. You guys can do it" -Namjoon
"Bumaba na kayo ng Van. Act like you guys are vip's" -Jin
Kaya naman bumaba na kaming apat sa van at pumasok na sa loob. Nakita namin si Namjoon at pasimpleng tumuro dun sa tatlong staff na halata mong nag mamasid ng paligid.
BINABASA MO ANG
A Fight for Love [LISKOOK]
Fanfiction"𝘽𝙖𝙠𝙞𝙩 𝙝𝙞𝙣𝙖𝙮𝙖𝙖𝙣 𝙣𝙖𝙩𝙞𝙣 𝙢𝙖𝙣𝙜𝙮𝙖𝙧𝙞 𝙖𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙗𝙖𝙜𝙖𝙮 𝙣𝙖 𝙝𝙖𝙗𝙖𝙣𝙜 𝙗𝙪𝙝𝙖𝙮 𝙣𝙖𝙩𝙞𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙜𝙨𝙞𝙨𝙞𝙨𝙞𝙝𝙖𝙣" Characters: Jungkook, Lisa, Sehun, Jennie, Kai, other members of BTS and Blackpink
![A Fight for Love [LISKOOK]](https://img.wattpad.com/cover/114209839-64-k852940.jpg)