TWO

132 7 6
                                        

[FLASHBACK YEAR 2011]







[JUNGKOOK POV]

"Ano, tititigan mo nalang ba yan? Wala ka bang balak ibigay yan sa kanya?" tanong sakin ni Taehyung.

Hawak ko ang isang rosas na may kasamang sulat, mahigit kalahating minuto na akong nag aabang dito sa gate ng unibersidad namin.

Inaabangan ko yung babaeng pagbibigyanan ko nito. Yung babaeng matagal ko ng gusto, yung araw araw na nagpapasaya sakin kahit hindi nya alam.

"Mukhang masaya yun, sige sasama ako sa sabado" ayan na sya, naririnig ko na ang masayahin nyang boses kasama ang mga kaibigan nya.

Mukhang maganda ang araw nya ngayon ah, good timing tong pagbigay ko ngayon.

Huminga ako ng malalim saka naglakas loob na subukan ang matagal ko ng gustong gawin, yun ay ang malapitan sya.

"Goodluck sayo pre" sambit ni Taehyung at tinulak ako bigla kaya napabilis ang paglapit ko sa kanya.

"Lisa" halos sinukin ako sa kaba ng sambitin ko ang pangalan nya sa harap nya.

Natigilan naman sila ng mga kaibigan nya sa pagtawanan at huminto dito sa gate.

"Yes? Anong meron?" tanong nya sakin habang bitbit ang ngiti na puno ng tamis.

"Girl, diba sya yung gwapo sa section 5?"

"Oo nga, gwapo pala talaga sya" usap usapan ng mga kaibigan nya sa likod nya.

Huminga nanaman ako ng malalim at inabot ang rosas at sulat sa kanya.

"Pakibasa nalang" sambit ko at nagmadaling umalis.

"HALA LISA ANSWERTE MO!" rinig kong sambit ng mga kaibigan nya.

Sana magustuhan nya at sana basahin nya yung sulat ko sa kanya. Kinakabahan ako, baka tanggihan nya ako. Pero sino ba naman kasi ako para magusuthan din nya, hindi ako kasing yaman nya.

Habang tumatakbo ako ay nakasunod na sa likod ko si Taehyung. Oo nga pala kasama ko pala sya.

Sya si Taehyung, isa sa mga tropa ko. Mahigit dalawang taon na kami magkaibigan at hindi lang kami dalawa kundi anim kami.

Anim kaming nasangkot sa gulo ngayon.

"JUNGKOOK BILISAN MO BAKA DI NA NATIN ABUTAN SILA HYUNG NA BUHAY!" sigaw ni Taehyung habang tumatakbo kami papunta sa lugar kung saan may nangahas nanamang makipag basag ulo samin.

Oo, basugalero ako. Suki ng guidance office at muntikan ng ma drop.

"WAG KANG MAG ALALA, PAGDATING NATIN DUN, LAGOT SAKIN ANG MGA KUPAL NA YON!" sagot ko sa kanya.

Nang makarating kami sa lugar kung saan nandun at nakikipagbasagan na ng bungo sila Suga hyung.

"Tulungan natin sila" Sambit ko kay Taehyung at dali dali kaming sumugod sa mga estudyante ng kalabang unibersidad.

A Fight for Love [LISKOOK]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon