ONE

334 10 6
                                    

[JUNGKOOK POV]

Ala-una na ng madaling araw, ngunit wala parin akong balak umuwi, dahil hindi pa tapos ang inuman ng tropa.

"Ano nanaman problema mo?" tanong ng aking kaibigan na si Suga.

Ngumisi lang ako sa kanya at tinungga ang isang bote ng deretsuhan. Ayokong magkwento, ayokong maalala lahat ng problema ko, ayokong maramdaman muli yung sakit.

Pagkatapos kong tunggain ang isang bote ng alak ay nilapag ko to sa mesa saka ako tumayo.

"Uwi na ako" sambit ko

"Hatid ka na namin" sabi ni Taehyung ngunit sumenyas ako ng hindi na.

Naglakad na ako papunta sa aking bahay kung saan ako lang naman ang nakatira, mag isa nalang ako sa buhay ko ngayon.

Bakit ako nalang mag isa? Curious ka?

Pumasok na ako sa loob at binuksan ang isang ilaw na kulang nalang ay sumuko narin sa pagbigay sakin ng liwanag.

Di ko nalang ito pinansin at umakyat nalang sa aking kwarto, humiga sa kama ng hindi binubuksan ang ilaw at tanging street light lang sa labas ang nagsisilbi kong liwanag. Napatingin ako sa mga litrato sa kisame.

Nakita ko nanaman tong mga to, akala ko pag nakainom na ako mawawala lahat sa isip ko ang mga bagay nato, pero hindi pala.

Nararamdaman ko nanaman yung sakit, naaalala ko nanaman yung mga pangyayari. Yung mga dahilan kung Bakit di kami nagka tuluyan?

Araw araw kong sinusubukan na hindi alalahanin ang mga bagay na yun pero hindi ko kaya, masyadomg malaking pinsala yun sa kalahating parte ng buhay ko.

Yun yung problema na hindi ko alam kung paano ko masosulosyunan, bakit nga ba? Bakit nga ba tayo nag pa-apekto sa mga nangyari?

Lisa, bakit ka agad sumuko?

Ilang beses ko ng binibigyan ng sagot ang mga sarili kong katanungan pero wala parin, hindi parin ako kuntento sa mga sagot na yun para paniwalain ang sarili kong tanggap ko na ang lahat.

"Nakakapagod na" sambit ko habang nakatitig parin sa kisame na puno ng litrato.

Kinapa kapa ko ang gilid ko para kunin ang cellphone ko ng iba ang makapa ko. Kinuha ko ito para malaman kung ano tong nahawakan ko, isang litrato nanaman.

4 weeks ultrasound photocopy.

"Sayang" sabi ko ng makita ito.

Di ko nanaman mapigilan ang maluha, paunti unting tumatagos sa isip at puso ko lahat ng nangyari.

Im sorry Lisa, di kita na protektahan. Kasalanan ko ang lahat kung bakit nagka ganto. Hanggang ngayon sinisisi ko parin ang sarili ko sa lahat ng nangyari.

"Jungkook buntis ako"

"Talaga?"

"Magiging daddy ka na, yey!"

"Aalagaan natin ang baby natin"

Pero hindi pa dun natatapos ang lahat. Marami pang kasunod na nangyari.

Kinabukasan...

A Fight for Love [LISKOOK]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon