[JUNGKOOK'S POV]
Di ko maiwasang tumingin sa reflection nya sa salamin. Habang iniisip kung bakit sya pumayag na makipag inuman.
Anong problema nya? Di naman sya nakikipag inuman dati... dati lang pala yun, nakalimutan kong nag babago din pala ang tao.
"Lisa, malapit na tayo sa inyo" sambit ko.
Nakarating na kami sa guard house at tinanong kung anong floor and sino ang unit owner.
"Lisa Alcantara po. Hinatid ko, naglasing kasi eh" sabi ko at pinapasok na kami.
"Lisa, bubuhatin kita ah. Relax ka lang, iingatan kita" sabi ko habang sya ay nilalabas sa kotse at binuhat.
Tinungo na namin ang unit nya at kinuha ang susi sa bag nya at binuksan ang pinto.
Ang ganda naman ng tinitirhan nya. Maganda na ang buhay nya ngayon at wala naman na akong balak pang sirain yun.
Dahan dahan ko syang hiniga sa kama nya para makapag pahinga na sya. Alam kong dapat na ako umalis dahil ito lang naman talaga ang dapat kong gawin, pero hindi kaya ng konsensya ko na iwan syang ganto ang kalagayan nya.
"Bakit ka ba kasi naglasing?" yan nalang ang nasasabi ko sa kanya ngayon.
Tumayo naman ako at pumunta sa kusina nya para lutuan sya ng sabaw para may makain agad sya bukas. Alam kong matindi hangover nya kaya naman wala na syang oras para magluto pa.
Lulutuan ko sya ng paborito nyang crab soup. Hanggang ngayon pala paborito nya parin yun dahil andami nyang iba't ibang klase ng crab soup dito sa food storage nya.
Habang pinapakuluan ko yung sabaw ay bumalik muna ako sa kwarto nya para tignan sya
"Nagluluto ako ng sabaw, kainin mo yun bukas ah" alam kong hindi nya ako naririnig pero sinasabi ko parin.
"Jungkook" nanlaki naman ang mata ko ng magsalita sya habang nakapikit.
"Galit na galit ako sayo" kasabay nun ang pag tulo ng luha nya.
Di ko narin mapigilan ang umiyak dahil sa sinabi nya.
"Lisa, sorry sa lahat ng ginawa ko sayo, sa lahat ng sakit na naidulot ko sayo. Kasalanan ko kung bakit napuno ng galit ang puso mo, hindi ko manlang nagawan ng paraan para maibsan ang sakit na nararamdaman mo, alam mo nag hihirap na ang buhay ko ngayon, kinarma na ako sa mga nagawa ko sayo, pero ayos lang kasi dapat lang sakin to. Maayos na ang buhay mo ngayon, wag kang mag alala pagkatapos ng gabing ito, hinding hindi mo na ako makikita. Hindi na kita gugulhin pa. Pasensya na kung hindi ko nabigay sayo ang magandang buhay na pinapangarap mo. Sana matanggap na natin pareho kung ano ang mga nangyari noon para magpatuloy tayong masaya sa buhay natin at sana mapatawad mo na ako." pinunasan ko na ang luha ko at babalik na sana sa kusina ng isabit nya sa batok ko ang dalawa nyang kamay dahilan para mapalapit ako sa kanya.
"Jungkook, galit ako sayo, galit na galit ako. Pero sa galit kong yun lalo lang akong hindi nakaka takas sa nakaraan"
nakapikit parin nyang sabi sakin."Pwede bang bumalik nalang tayo sa nakaraan?" dagdag nya.
Hinawi ko ang buhok nya papunta sa likod ng tenga nya at hinawakan ang pisngi nya.
"Sana ganun nalang, sana maibalik yung dati, sana hindi mo nalang ako nakilala" sobrang sakit na pero paunti unting nawawala dahil nasasabi ko na ang mga ito sa harapan nya.
Sa wakas, ang mga salitang nanirahan sa isip at puso ko na gusto kong marinig nya ay nailalabas na. Para akong sumusuka ng pako at kutsilyo.
"Lisa, mahal na mahal kita" buong puso kong sambit sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/114209839-288-k852940.jpg)
BINABASA MO ANG
A Fight for Love [LISKOOK]
Fiksi Penggemar"𝘽𝙖𝙠𝙞𝙩 𝙝𝙞𝙣𝙖𝙮𝙖𝙖𝙣 𝙣𝙖𝙩𝙞𝙣 𝙢𝙖𝙣𝙜𝙮𝙖𝙧𝙞 𝙖𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙗𝙖𝙜𝙖𝙮 𝙣𝙖 𝙝𝙖𝙗𝙖𝙣𝙜 𝙗𝙪𝙝𝙖𝙮 𝙣𝙖𝙩𝙞𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙜𝙨𝙞𝙨𝙞𝙨𝙞𝙝𝙖𝙣" Characters: Jungkook, Lisa, Sehun, Jennie, Kai, other members of BTS and Blackpink