♥VOTE AND COMMENT ♥
[JUNGKOOK POV]
Marami pa akong iinuming kape ngayon gabi. Kailangan ko matapos lahat ng school works para bukas.
"Anak, bakit di mo nalang ipagpabukas yan. Mukhang napaka rami nyan ah" sabi ni Mama habang pababa ng hagdan.
"Ma, bakit gising pa po kayo?" tanong ko.
Lumapit naman sya sakin at pinagmasdan ang mga papel na nasa harapan ko.
"Hindi lang ako makatulog dahil alam kong gising ka pa. Nakakapanibago kasi na nagpupuyat ka para sa studies mo" sambit naman nya.
Di ko naman mapigilan ang ngiti ko dahil naalala ko kung bakit ko to ginagawa.
"Ano yang ngiting yan ha? Nako, parang alam ko na yan" hinala ni Mama.
"Hala si Mama"
"Ay nako, ako pa ba. Alam ko na yang mga ganyang ngitian. Dahil ba yan sa Babae kaya ka nag sisipag mag aral? May pinapasikatan ka ba sa school nyo?" si mama hinuhuli talaga ako
"Si Lisa Ma" sambit ko at pinakita kay Mama ang wallpaper ko.
"Ay, ang ganda naman neto Anak" sabi ni Mama habang tinitignan ang wallpaper ko.
"Mama bukod po sa inyo, dahil din po sa kanya kaya po ko nag sisipag mag aral ngayon. Gusto ko po syang ligawan" sabi ko
"Anak, wala akong tutol dyan. Masaya akong maganda ang nagiging resulta ng pagkahanga mo sa kanya. Pero anak, kung sakalin man sa awa ng Diyos ay maging kayo. Alam mo naman anak na dapat hinay hinay lang, dahil may mga pangarap pa kayong aabutin. Wag nyo munang gawin ang mga bagay bagay, dahil dadating din kayo dyan pag kasal na kayo." pag papayo naman ni Mama.
"Opo mama, naiintindihan ko po" sagot ko naman.
Nakaramdam naman ako ng guilty nang maalala ko lahat ng mga ginawa namin ni Cindy dati. Alam kong mali yun, pero hindi ko na yun pinagpatuloy ngayon.
Hindi alam ng mga magulang ko na nagawa ko na mga bagay na pinagbabawal nila. Na hindi nila alam, ang anak nila madami ng nagawang kalokohan.
Pero ngayon gusto ko na talikuran ang mga bagay na yun. Para kay Lisa.
"Mama, alam ko pong nakakahiyang tanungin to. Pero paano po ba dapat ligawan ang isang babae?" tanong ko kay Mama.
Sa totoo lang, di ko alam kung paano nga ba manligaw. Di naman sapat na pogi lang ako diba.
"Alam mo kasi anak, magkaiba ang panliligaw sa panahon namin at sa panahon nyo. Kaya di rin ako sigurado kung ano ba ang dapat ipayo sayo. Basta, ipakita mong may respeto at mabuti ka sa babaeng yun ang talagang susi" sambit ni Mama.
"Siguro nga po ganon talaga daoat ang gawin ko. Ipapakita ko sa kanya na iba ako sa mga lalaking nakilala nya" determinado ko namang sambit kay Mama.
[LISA POV]
Papasok na ako ngayon sa first subject ko ng makita ko si Jungkook na nakasandal sa pader ng classroom namin at tila may inaabangan.
Nang makita nya ako ay ngumiti sya sakin at tumindig sya ng maayos saka sinalubong na ako.
"Lisa" tawag nya sa pangalan ko.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya.
May nilabas naman syang rosas na kulay pink mula sa likod nya at binigay ito sakin.
BINABASA MO ANG
A Fight for Love [LISKOOK]
Fanfiction"𝘽𝙖𝙠𝙞𝙩 𝙝𝙞𝙣𝙖𝙮𝙖𝙖𝙣 𝙣𝙖𝙩𝙞𝙣 𝙢𝙖𝙣𝙜𝙮𝙖𝙧𝙞 𝙖𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙗𝙖𝙜𝙖𝙮 𝙣𝙖 𝙝𝙖𝙗𝙖𝙣𝙜 𝙗𝙪𝙝𝙖𝙮 𝙣𝙖𝙩𝙞𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙜𝙨𝙞𝙨𝙞𝙨𝙞𝙝𝙖𝙣" Characters: Jungkook, Lisa, Sehun, Jennie, Kai, other members of BTS and Blackpink
![A Fight for Love [LISKOOK]](https://img.wattpad.com/cover/114209839-64-k852940.jpg)