Gay: Fifty

2.4K 97 8
                                    

"I am acting like I am okay. Please don't interrupt my performance." No one is as strong as they seem.

"What do you think?" 

Nakatingin lang siya sa akin, hindi niya ata aakalain yung magiging suggestion ko. 

Hindi ko alam, pero bigla na lang siyang humalakhak. Hindi niya ata alam na seryoso ako 'don sa idea ko. That was brilliant suggestion kaya. 

"Really? Concert?" napasimangot na lang ako. Grabe. Salamat Rocky! Salamat talaga. Pagtawanan daw ba kasi yung idea ko.

"Do I look like I'm joking, huh?"

"Don't you?" she teased me.

"Whats wrong with my suggestion?!" inis na tanong ko dito.

"It sounds weird and crazy"

"Wow thank you ha"

"I mean, pano naman natin gagawin 'yun?"

I smirked.

"My gosh! Whats wrong with you little man?"

Hindi nagtagal napapayag ko na din si Rocky kahit hindi pa siya ganon kakumbinsi sa ideya ko. 'Don ko lang na-realize na medyo mabigat pala yung suggestion ko. Ano bang pumasok sa utak ko? 

And now, Rocky and I are starting to plan for a little concert. Desidido na siya eh.

"How about the place?" tanong nito sa akin. Nag-isip naman ako. Sa Araneta Coliseum kaya? Sa Resort World? Okay, that was so impossible. Ano kami si Regine Velasquez? Toni Gonzaga? Gosh King!

"Music Hall?" bukod sa mga epic concert hall na naisip ko, heto na lang school ang natitirang matino. 

"Pwede pero sa tingin mo papayag kaya ang school admin?"

"Why not? Tara kausapin natin" sabay hila ko dito at kuha ng mga gamit namin. 

"Hoy! Ngayon na?"

"Obvious ba?"

Napatigil kami sa pagpunta sa office ng mag-ring ang phone niya. Tiningnan ko yung screen para malaman kung sino. 

Calling Charity...

Tumingin muna ito ng ilang segundo sa screen bago tuluyang sinagot ang tawag. Hindi niya man ipahalata, alam kong may nararamdaman siyang kakaiba. Para bang na-tense siya. Parang first time tumawag ang charity sa kanya. Lokaret na babae!

"Hello po?"

"Po?"

"Sige po, pupunta na ako"

"Pupunta po ako"

Dali-dali niyang kinuha sa akin yung bag at yung gitara niya. "Mauna na ako"

Balak ko pa sanang habulin siya, kaya lang ang bilis niya. Anong nangyari? Unang beses ko ata siyang nakitang ganon. Hay. Yaan na nga. Kaya niya na sarili niya.

Umuwi na lang ako. Bukas na lang namin kakausapin yung school admin. Naligo na ako at ready na sanang matulog pero di ako mapakali.

Kanina ko pa siya tinetext pero di naman siya nagre-reply. Alam kong madalang at tamad talaga siya mag-text at mag-reply pero sana naman nag-reply siya kahit isang beses lang! Buti sana kung walang nag-aalala sa kanya.

I'm Gay but...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon