Gay: Twenty-six

2.9K 94 6
                                    

"People don't always need advice. Sometimes all they need is a hand to hold, an ear to listen, and a heart to understand them"

♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-

Rejection, loneliness, longing, pain, angry, agony. This feelings and emotions have always been with me and have even at times tormented me

They go far deeper and deeper each day. Palala ng palala. Pasakit ng pasakit.

Hindi ko naman kasalanan na mawala siya diba? Hindi ko naman ginusto pero bakit ganito? Bakit galit sila sa akin? Lahat na lang ba iiwan ako? Lahat na lang ba sasaktan ako?

Ito rin ang dahilan kung bakit ayaw kong magkaroon ng kaibigan. Because things change and friends leave. And life doesn't stop for anybody (The Perks of being a Wallflower). Baka iwan lang din nila ako. 

"Puro mali na lang yung nangyayari sa akin. Wala nang magandang nangyari" hinayaan ko na lang tumulo ng tumulo yung mga luhang umaagos. Useless din naman kasi kung pupunasan ko. Parang wala naman nagbabago, hindi naman sila tumitigil.

"Because the best days of your life haven't happened yet" sa unang pagkakataon na nandito kami nagsalita siya. Dahilan para mapatingin ako sa kanya.

Nginitian niya lang ako. Hindi man mahaba yung sinabi niya pero parang nabigyan ako ng pag-asa.

"Hay" napabuntong hininga na lang ulit ako.

Si Rocky Road, magsisinungaling ako kung hindi ko aaminin sa inyo na hindi ko siya tinuturing na kaibigan. Dahil sa kakulitan niya, nakuha niya ang loob ko. Siya yung tipo ng tao na madaling makagaanan ng loob. Siya din yung nag-iisang tao na nagtitiis sa akin. Lagi siyang nandiyan kahit ang alam niya lang naman gawin ay ang kulitin at ang inisin ako, pero hindi niya napapansin yung mga simpleng ginagawa niya napapasaya niya ako. Hindi ko pa man siya lubos ganon kakilala pero masasabi kong isa siyang tunay na kaibigan.

"Gusto mo bang kantahan kita?" 

"Ikaw kakanta?" parang medyo natawa ako kahit na ang totoo lumuluha pa rin ako. Wala lang. Para kasing wala sa itsura niya ang pagkanta. Teka, hindi ko pa nga pala napapakinggan ang boses niya. Linalait ko na naman siya. Heto na naman ako sa pag-aunderestimate ng tao.

"Grabe ka naman. Magaling kaya ako" 

"Woay! Yabang ah. Sige nga sample"

"Talikod ka muna"

"Teka, bakit?"

"Kunyari The Voice Kids ang drama natin. Bilis!" aist!

"Ano ba yan! Puro ka kalokohan"

"Eh kasi bilis na nga! KJ naman neto"

"Oo na heto na oh. Siguraduhin mong maganda yang boses mo kasi kung hindi sasabunutan kita"

"Oo na! Ang bakla mo talaga"

"Hmp!" tumalikod na ako ng matapos na. Babae nga 'to, ang arte eh. Kakanta na lang ang dami pang kaek-ekan.

She start strumming a guitar. Wait! May dala pala siyang gitara? Hindi ko ata napansin. 

"Oh? Hindi pa ako nagsisimula, humarap kana agad. Ganon ba ako kagaling?"

"Oh my gosh! San mo ba nakukuha yang kakapalan ng mukha mo? Nabigla kasi ako, hindi ko alam na may dala ka pa lang gitara"

"Hahaha. Oo na. Nagbibiro lang naman. Sige na talikod kana ulit"

I'm Gay but...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon