Gay: Forty-five

2.2K 81 6
                                    

"I like it, but I don't. I want it, but I don't. I'm fine, but I'm not. None of it matters, but it does"

Ilang araw ko din siyang iniwasan. Kapag titingin siya sa akin at alam kong ngingiti siya, iniiwas ko na agad yung tingin ko. Kapag pakiramdam ko lalapit siya at kakausapin ako, umaalis na agad ako. Ayaw ko pang makipag-usap sa kanya hanggang hindi niya inaamin sa akin at sa sarili niya na hindi okay. Pero paano kung okay lang naman talaga siya? Paano kung sa akin lang naman ito big deal? Paano kung wala naman pala siyang pakialam? Pero hindi, imposible. Kahit lagi kong sinasabi sa sarili ko na masyado na siyang perpekto, tao pa din siya, may pakiramdam pa din siya at nasasaktan din siya. Alam kong nasaktan siya sa lumabas sa bibig ko, nakita ko yun sa mga mata niya at sa paraan ng pagngiti niya. 

Pero hindi ko na kaya. Masyadong masakit para sa akin ang layuan siya, masyado siyang espesyal para saktan sa simpleng paglayo ko. Rocky is a true friend, best friend na din nga ang turing ko sa kanya. Kung lalayo ako para sa bagay na pwede namang pag-usapan, parang ilinayo ko na rin yung sarili ko sa kaligayahan. Masaya ako kapag kasama ko si Rocky. Magaan ang pakiramdam ko at pansamantalang nawawala ang mga problema ko kapag andyan siya. 

Papunta ako sa bahay nila, pero bago 'yun, dumaan muna ulit ako sa flower shop at bumili ng dalawang rosas, yellow for friendship and white for purity, I want her to know that I'm sincere. Pangalawang beses ko na siyang pagbibigyan nito. Pangalawang beses na akong hihinggi ng sorry sa kanya. For sure tatanunggin na naman ako 'non kung nanliligaw ba ako at susunudan ng 'sinasagot na kita'. Assuming 'yon eh. Pero minsan hindi ko alam kung nagbibiro pa ba sya.

Nang makarating ako sa kanila, pinagbuksan ako ni Manag Fe ng pinto. 

"Manang, andyan po ba si Rocky?"

"Naku hijo, ang alam ko kasi may drift driving lesson yun ngayon at dadaan din sa bahay ampunan at baka dumiretso na din siya sa simbahan" wrong timing pala yung dalaw ko eh.

"Ah ganon po ba?"

"Tawagan mo na lang kaya siya?" ayaw kong tawagan siya. Kung mag-uusap kami, gusto ko ng personal. At sigurado rin naman akong hindi niya masasagot dahil madalang lang yung gumamit ng phone, baka nga nakatago lang 'yon sa cabinet niya eh. And because of that, somehow she reminds me of Shailene Woodley.

"Ah Manang, pwede po bang palagay na lang 'to sa loob ng kwarto niya? Tsaka huwag niyo na po sanang mabanggit na dumaan po ako dito. Ayos lang po ba?" tanong ko dito habang nakatinggin lang sa akin.

"Ah oo sige" hanggang ngayon hindi niya pa rin iniiwas yung tingin niya sa akin. May dumi ba ako sa mukha?

"Ahm may problema po ba?" hindi na ako makatiis kaya naman tinanong ko na siya.

"Wala naman, hindi lang ako makapaniwala na.." hindi niya na ipinagpatuloy yung sasabihin niya kaya tinanong ko siya kung anong hindi makapaniwala ang tinutukoy niya. She  just shrugged her head. "Ah, wala naman. Masyado ka kasing pamilyar" pangalawang beses niya na itong nasabi sa akin. Gusto ko sanang itanong kung paano ako naging pamilyar sa kanya pero naunahan nya na akong magsalita. 

"Yun lang ba yung ibibilin mo? Gusto mo bang pumasok muna sa loob?"

I'm Gay but...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon