Gay: Eleven

4.4K 128 0
                                    

"Naniniwala akong lahat ng bagay ay may tamang oras. You just have to be patient kung willing kang malaman kung anong nasa loob" - Rocky Road

♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-

Two days ko ng iniiwasan si Rocky Road, well hindi ko rin naman talaga siya pinapansin dati pa, not unless kapag kinukulit niya ako.

I don't know why pero iba kasi yung nararamdaman ko. Para bang ang laki ng impact sa akin, ang nangyari nung Sunday. Hindi ko nga ma-figure out kung anong mali don. Ewan ba! Naiinis na kasi ako sa sarili ko. Nang sinabi niya kasi yun sa akin, para bang nag-iba yung expression niya. At ako naman? Feeling ko konting konti na lang makukuha niya na ang tiwala ko at magiging kaibigan ko na siya. At 'yon ang ayaw ko. Ayaw ko ng magkaroon ng kaibigan. Sapat ng mag-isa na lang ako.

Sa loob ng two days, madalas lang akong nakatambay sa likod ng building namin, walang napunta dito dahil na rin siguro sa abandonado na ang lugar na ito. Hindi rin naman ako natatakot kasi dati pa akong tumatambay dito pero wala namang nangyayari sa akin. 

Para sa akin isa siyang relaxing place. Mahangin at medyo mapuno din. Tahimik lang talaga siya kaya naman gustong gusto ko ang lugar na ito.

Madalas pa rin naman akong kinukulit ni Rocky Road. Hindi na nga ata talaga siya magbabago, makulit talaga siya. Well, trademark niya na ata yun.

Hindi ko nga alam kung bakit ako masyadong apektado. Eh samantalang si Rocky Road nga parang wala lang sa kanya. Ako lang ba talaga ang nakapansin? O guni-guni ko lamang? Ah Ewan! Bakit ko ba kasi pinag-iisip? Eh para yun lang naman diba? Diba?

Nasa corridors ako ng mapansin kong himalang bukas na ang room. I mean may tao na. May nauna na sa akin. Ako nga kasi diba ang early bird. Remember?

Pumasok na ako sa room at nandoon na si Rocky Road. Teka? Hindi siya late? O baka naman tumakas na naman siya? Napailing na lang ako sa naisip ko. Pasaway siya eh, so anong aasahan ko diba?

"Good Morning Killer Queen :)" bati niya sa akin ng nakangiti. Parang namiss ko ata yung pagbati niya. Err? Para dalawang araw lang naman akong hindi nabati eh. Kaloka ah. 

Tumango na lang ako. Hindi kasi ako nag-toothbrush kaya hindi ako nagsasalita. Hahaha. Naniwala naman kayo, ang mga magaganda laging nagsisipilyo. Bango kaya ng bunganga ko. Wanna try boys? Hahaha. Landi eh.

I'm Gay but...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon