Gay: Eighteen

3.5K 104 2
                                    

"If you insist, how can I resist?" - Toni Gonzaga of Starting Over Again.

♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-

Nagpumilit akong ihatid siya sa bahay nila. Nung una sabi niya ayos lang naman daw pero hindi naglaon pumayag na rin. Hindi rin naman kasi ako papayag na hindi siya maihatid. Atleast alam kong makakauwi siya ng safe.

"If you insist, how can I resist?" then she winked. Natawa na lang ako sa sagot niya. Hahaha. Lakas maka Toni Gonzaga eh. Lakas din ng topak niya.

Habang nasa daan nagkekwentuhan kami. Sa ngayon, maayos kaming nag-uusap. Para bang hindi namin antala ang nangyari kanina.

"Marunong ka pala mag-martial arts"

"Ah oo. Bakit magaling ba ako? HAHAHA" tumango na lang ako.

"Well I should admit that yes you are. Hahaha" and I should also admit na konti na lang talaga. Konti na lang at makukuha niya na ang loob ko. 

Nang makarating kami sa harap ng bahay nila, ako naman ang pinilit niyang pumasok. Dito na lang daw ako kumain. Nung una siyempre tumanggi ako, pero wala eh, makulit siya kaya naman napapayag niya ako.

"If you insist, how can I resist?"  panggagaya ko sa kanya sabay kindat. Anong akala niya, siya lang ang marunong kumindat?

Nagblush naman siya. HAHAHAHA. Putek ang cute niya. Lol!

"Pssh! Gaya-gaya ka" para talaga siyang bata.

Pumasok na kami sa loob ng bahay nila. Naaamaze pa din ako sa klase ng tahanan nila. Maganda kasi talaga ito and unique at the same time.

"Hi Nanny" at nagmano siya dito. Agad din naman akong nagmano. 

"Kumain ka na ba? Ginabi ka ata. Halika't maghapunan muna kayo" 

Agad naman kaming sumunod sa kanya. Tinunggo namin ang kusina. 

I'm Gay but...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon