Gay: Forty-nine

2.3K 78 9
                                    

"Just a random thought cause I'm crazy." 

Dire-diretso akong pumasok ng bahay nila. Feel at home na akong masyado sa kanila na hindi ko na kailangang kumatok pa.

Naabutan ko si Kuya Kyle sa bakuran nila na mukhang nag-aayos ng washing machine. Pwede pala syang electrician eh, paayos ko nga minsan yung kuryente sa bodega namin. 

"Kuya Kyle, si Rocky?" 

"Sa loob, pahanap na lang"

Dumiretso ako sa loob at 'don ko naabutan si Manang. Agad ko naman itong tinanong at sabi niya subukan ko daw sa Music Room. Tinuro niya ito kung saan. May kalakihan din kasi ang bahay nila Rocky kaya minsan nakakalito.

Medyo nakabuka na yung pinto ng music room kaya di na ako kumatok at tuluyan ng pumasok. 

Sobrang laki ng kwartong ito, ang lamig din. Oh well, di pa ako nasasanay na palagi ditong malamig. Hindi ata pwedeng mapawisan ang mga nakatira dito na kahit malamig naman sa labas, still naka-open pa din ang aircon nila. Yaan na, rich naman sila.

At dahil music room ito, madaming instrumento. Grabe, kompleto ata yung mga instruments dito eh. Parang ang saya lang hawakan isa-isa lalo na yung mga gitara.

"This hit that ice cold. Michelle Pfeiffer that white gold. This one, for them hood girls, them good girls, straight masterpieces. Stylin', while in livin' it up in the city. Got chucks on with Saint Laurent. Got kiss myself I'm so pretty.."

Alam kong kay Rocky yung boses kaya naman hinanap ko. Kaya pala hindi ko siya makita kanina kasi nasa likod pala siya ng drum set. Nagbibilang siya ng pera na mukhang galing lang sa piggy bank.

First time ko syang narinig kumanta ng may pagka-boogie at funk na kanta. Ang ganda talaga ng boses niya na kahit pasigaw-sigaw lang, ayos na. Ilang talent ba ang meron siya? Nasa kanya na ata ang lahat eh.

"I'm too hot (hot damn). Called a police and a fireman. I'm too hot (hot damn). Make a dragon wanna retire, man. I'm too hot (hot damn). Say my name you know who I am. I'm too hot (hot damn). Am I bad 'bout that money. Break it down."

Hindi ko na napigilang di matawa. May pasayaw-sayaw pa kasi siyang nalalaman. Para siyang timang.

Napatigil siya ng mapansin nya ako. Namula naman siya, nahiya ata. Akalain nyo 'yun, may hiya din pala siya.

"HAHAHA! Sa susunod huwag mo ng hahaluan ng sayaw ah, di bagay, promise!" matawa-tawa kong sabi dito. Singer siya, pero hindi siya dancer. Mag-focus na lang siya sa pagkanta, ayos na 'yon. Natatawa talaga ako. 

"Grabe ka ah!"

"Totoo naman eh"

"Tss. Oo na! Napunta ka?"

"Wala manggugulo lang"

I'm Gay but...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon