Gay: Three

5.5K 153 8
                                    

"Killer Queen. Can you be my friend?" - Rocky Road

♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-

  

"I mean, I'd rather be a gay if you are a lesbian, so we still compatible for each other" then I winked. Letse ni minsan hindi ko naisip na makakapag-pick up  line ako, lalong lalo na sa babae at lalong-lalo naman dito sa nilalang na nasa harapan ko.

Pero ito lang ang tanging paraan para hindi nila malaman ang tunay kong pagkatao. At 'yon din ang hindi ko hahayaan na mangyari. Kaya naman sana mag-work itong palusot na ito, kasi kung hindi, hindi ko alam ang gagawin ko.

Tiningnan ko naman ang ekspresyon ng mga kaklase ko at nakahinga ako ng maluwag. I felt relieved.

"Awww ang sweet naman ni Aldrin. Nakakainggit naman si Rocky" rining kong pagmamaktol ni Lara, ang nerd kong kaklase na may gusto sa akin.

"Oo nga. Buti pa siya" pagsang-ayon naman ng kaibigan niyang si Cass.

"Nice Bro. Pumipick up huh. Hahaha. Puruso" pang-aasar naman sa akin ni Rick. Bwiset! Kung alam lang nila kung gaano ako nandidiri sa sinabi ko. Yucks!

Nagsibalikan na naman na sila sa mga upuan nila. Tapos na kasi kaming pagkaguluhan, I mean ako lang pala, kasi si Rocky Road nakatunganga lang. Ewan ko ba kung anong nangyari sa babaeng ito at tila nawalan ng sasabihin, nawalan ata ng dila. Pero buti naman at natigil na ang matabil niyang bunganga dahil kung hindi pakakainin ko talaga siya ng apoy, literal!

Dumating na si Miss at tuluyan na kaming naupo sa mga sari-sarili naming upuan. 

"Ahm I think I should assign a sitting arrangement" sitting arrangement? Kailangan pa ba 'non? Sana naman ang makatabi ko si Prince Mic. Crush ko kasi 'yon ang gwapo kasi tsaka HOT. Hahaha. Landi ko 'eh. 

Tinawag na isa-isa at pinaupo sa naka-assign nilang upuan, at hanggang ngayon hindi pa rin ako natatawag. Nakakangawit ngang tumayo.

Mga ilang tawag pa at sa wakas narinig ko na ang mala-diyosa kong apelyido. Pero yun nga lang hindi ko katabi si Prince Mic. Nasa bandang unahan kasi siya. Ako naman nasa bandang likod, sa left side. Walo na lang din silang hindi natatawag.

I'm Gay but...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon