Gay: Thirty-eight

2.2K 95 3
                                    

"What a small world"

♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-

Nagkaroon kami ng konting selebrasyon kahapon sa school. Todo puri nga sa amin ang mga teacher. Binanggit nga rin kami kanina sa flag ceremony. Bilib na bilib talaga sila amin at hanggang ngayon hindi pa rin kami makapaniwala.

"KINGGGG!"

"*yawn* Tsk! Ang ingay!"

"Inaantok ka?"

"Hindi ba halata?" kaasar to ah!

"Sunget!"

"Problema mo?"

"May sasabihin ako"

"Spill it"

"Good Morning"

"Yun lang?"

"Disappointed ka? Anong gusto mo I love you?"

"Tae ang corny mo! Umalis ka nga sa harapan ko"

Naglakad ako patungo sa OSW, ang dami kong gagawin ngayon. Excuse din ako sa lahat ng klase ko, kailangan na kasi tong matapos ngayon, at isa pa kakatapos lang ng test namin, kaya ayos lang.

"Hay!" inilapag ko ang mga gamit ko sa table at hinilot-hilot ang sentido ko. Pinikit ko na rin muna yung mata ko. 5 minutes lang, after neto magsisimula na ako. Ang sakit kasi talaga ng ulo ko eh.

Napamulat ako ng may magtanggal ng kamay ko sa pagkakahawak ko sa ulo ko at siya ang nagpatuloy ng paghilot sa ulo ko.

"Tigilan mo na lalo mong pinapasakit ulo ko" kinuha ko na lang yung mga papel sa kabilang table, magsisimula na ako.

Nag-pout naman siya. "Grabe ka"

"Totoo naman kasi" naupo siya sa couch at tumingin ako sa wall clock, nagsisimula na ang klase, ano pang ginagawa niya dito?

"Teka, may kailangan ka ba? Anong ginagawa mo dito?"

"Tambay" at nahiga siya at ipinikit ang kanyang mga mata.

"Pumasok ka nga!"

"Inaantok ako. Babantayan na lang kita" namula naman ako. Mukha bang kaylangan ko ng alalay?

"Hindi ko kailangan ng Yaya" tumalikod siya at parang matutulog. Antok din siya kaya hinayaan ko na lang. Napabuntong hininga na lang ako. Kala ko ba babantayan niya ako? Eh bakit natutulog siya? Yaan na nga.

Sinimulan ko na ang dapat kong gawin. Maya-maya tinitingnan ko siya, ang himbing niyang matulog parang anghel lang. Bakit ko nga ba naging kaibigan ang isang 'to? Masyado siyang maingay, ako tahimik. Masyado siyang makulit, ako tahimik pa din. Magkaibang-magkaiba kami. Hay! Paabala naman oh! Bakit ba kung ano ano ang iniisip ko?

I'm Gay but...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon