Gay: Forty-seven

2.8K 87 6
                                    

 "Praying is supposed to be like breathing, easier to do than to not do"

"What the hell!" para akong nag-ice bucket challange sa lamig. 

"Sorry, kasi kanina ka pa please ng please. I thought you had a bad dreams, hindi kita magising at ito lang yung naisip kong paraan. Sorry"

Hindi ako nagdalawang isip at bigla akong lumapit sa kanya upang salubunggin siya ng yakap. Mukhang nabigla siya kaya hindi agad siya naka-response. Pero ng mukhang nahimasmasan na siya, tinapi-tapi niya yung likod ko at bigla na lang akong naiyak. Sobrang sama ng panaginip ko. Kung hindi pa siya dumating, hindi ko na alam kung anong mangyayari. Hindi ko alam na posible pa lang magkaroon ng dalawang panaginip sa isang panaginip. Hindi ko alam na ganito yung magiging epekto niya sa akin.

"Sorry, sorry" paulit ulit niyang sambit.

"No, I'm sorry, I'm so sorry"

Pinaupo niya muna ako sa couch, hindi ko alam na sa sala pala ako nakatulog. Pumunta siya ng kusina at kumuha ng tubig na agad niya namang iniabot sa akin. Nagpasalamat naman ako dito.

"Ano ba kasing napanaginipan mo?" napatitig ako dito. Sasabihin ko bang siya ang dahilan ng masama kong panaginip? Yinuko ko ang aking ulo at awtomatikong nagsitulo ang aking mga luha.

"Masama, masamang panaginip" Panaginip pa nga ba 'yon o isa ng bangungot? 

Agad niyang pinunasan ang mga luha kong patuloy na umaagos. 

"Ssshh, tahan na" imbes na tumigil, lalo lang akong naiyak. Hindi ko na alam kung para saan pa ba itong mga luha. Sa takot? O sa tuwa dahil nandito siya at panaginip lang ang lahat? 

Yinakap nya na lang ulit ako. She is the best comforter that I've ever known, her hugs is the most comforting that I've ever felt. Hindi niya na kailangan magsalita ng kahit isang salita para lang maramdaman mong andyan lang siya, kasi yung yakap niya sobra sobra na para ipadama sayo na hindi ka niya iiwan. Hindi ko alam kung paano niya ito nagagawa, masyadong malaki ang impact nya. Para siyang bomba na kapag sumabog maraming masisira, maraming mababasag. 

"Anong oras na ba?" tanong ko ng medyo mahimasmasan ako.

"Alas-siete na ng umaga" nanlaki naman ang singkit kong mata. Hindi ba sya nagbibiro? Eh di ibig sabihin halos 15 hours ako nakatulog and probably natutulog pa din sana kung hindi pa siya dumating. Teka, paano siya nakapasok?

"Paano ka nakapasok?"

"Nakita kong bukas yung gate nyo, tinatawag kita pero hindi ka sumasagot kaya naisipan ko ng pumasok. At isa pa tatlong araw ka ng pabalik-balik sa bahay kaya naman naisipan kong puntahan ka"

"Teka paano mo nalaman?"

"Through my instinct" and she winked.

"Pwera biro nga kasi"

"Ay! Oo nga pala, magbiro na sa lasing wag lang sa bagong gising" I rolled my eyes. Bakit ba hindi siya marunong sumagot ng direkta?

"You haven't answer my question"

"Psh! Ke aga-aga ang init ng ulo mo" kung siya lang din yung makakasama ko sa umaga talagang mag-iinit nga ang ulo ko kahit na siguro malamig ang panahon. "I saw the roses"

"And then?" 

"That's it"

"That's it? As in yun na 'yon? Dahil lang sa dalawang rosas, nalaman mo ng sa akin galing 'yon at nanggaling ako 'don? Naks! Ang galing mo naman atang manghuhula" I said with using a sarcastic tone. 

I'm Gay but...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon