Gay: Twenty-two

3.6K 100 7
                                    

"...I lost my identity. I forgot what I liked, what I wanted to do because I wanted to be in love so badly." - Steff Ann Holm, Leaving Normal ©2005.

♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-

Back to review na naman ang drama naming apat. Medyo nape-pressure na ako kasi palapit na ng palapit ang battle. I wonder kung anong klaseng battle ba talaga yan. Kung magagamit ba talaga namin ang mga napag-aralan namin o hindi. Kasi minsan diba ganon? Tipong todo review ka, pero pagdating ng exam minsan failed naman ang result. Para bang useless ang pag-aaral mo kapag ganon. Parang buhay ng tao, unpredictable. 

Literature. Pinag-aaralan din namin ang field ng literature. God and goddess are obviously involve with this. I don't believe with this -God and Goddess probably- para kasing masyado lang imposible or maybe not? Ang hirap lang paniwalaan. Alam nyo yon? Mapapaniwala ka lang sa isang bagay kapag may prove. Yung makikita mong aktwal. Maniniwala lang siguro ako kapag nakita ko si Athena, Zeus o kahit isa man lang sa mga God and Goddess. But to be honest, nag-eenjoy ako sa pagbabasa ng mga tungkol sa kanila. Naiimagine ko kasi. Parang fantasy lang ang peg. Tipong may mga kapangyarihan sila. May God of Fire, God of Sea, yung apat na elements present. I love fantasy, kaya siguro na-eenjoy ko. 

Natapos agad namin ang review, hindi lang siguro ako ang nag-enjoy, maging din sila. Interesting naman kasi talaga ang mga ganitong topic. 

Values Education time, nang may i-announce si Maam. 

"One week akong mawawala, so mag-iiwan na lang ako ng activity na gagawin niyo" activity? Eh di ibig sabihin isa lang? Sana naman. "This is a partner activity. So means, dalawa kayong gagawa. Discuss about something. Bahala kayo kung ano and then kayo ng bahala kung anong gagawin nyo. Be creative guys. I will just give you two weeks para dito. Is that clear? Bye" hindi pa man kami nakakasagot, linayasan na kami ni Maam. Tss. Pero ano daw ulit? Medyo malabo kasi ang pagkaka-explain niya. Partner? Hindi ba pwedeng individual na lang?

"Partner tayo" I'm the one who approached her. Siya lang naman kasi ang nakakausap ko dito, kasi in the first place siya lang naman ang nagkakalakas loob para kausapin ako. Makapal nga kasi sya. Tss.

"Weh?"

"Ayaw mo? Eh di sige maghahanap ako ng ibang makakapartner ko" sabay tayo. Magdadrama lang. Lol! Hahaha. At alam kong magiging effective ito.

"Eto naman nagtatanong lang. Basta tayo na ah" shet! Bakit ba ako nagba-blush? My ghad! Buti na lang hindi nya napansin. Geez! Para yun lang naman diba?

I'm Gay but...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon