Gay: Nine

4K 149 8
                                    

"Alam mo kasi sa pagpili, huwag mong tingnan sa panlabas na anyo, bat di mong subukan alamin ang kaya nilang gawin? Parang sa pag-ibig, hindi pisikal ang basehan, hindi din yaman at hindi din yung pagkatao, pero ito, itong puso" Alfred

♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-

What a boring weekend!

Wala na naman akong magawa sa bahay kundi tumunganga.

Kung hindi gitara ang pinagkakaabalahan ko, hihiga na lang o kaya naman mag-iinternet maghapon. Buhay nga naman oh!

Ako lang rin ang nag-iisang tao sa bahay. Wala ang driver, cooker at kahit si Manang, wala din. Day off kasi nila ngayon hanggang bukas. Si Manang naman, umuwi sa probinsya nila. And as usual, mag-isa na naman ako. What's new?

Hay!

Ginawa ko na lang ang mga assignment ko at project. Balak ko kasing maglakwatsa pagkatapos, wala na rin lang din akong gagawin.

Inalis ko ang bra ko at ready to bath na. Oo may bra ako, don't worry baby bra pa lang naman, kasi maliit pa lang naman siya. Hihihi. Feelingera eh! 

Mga 30 minutes akong nagkulong sa cr para maligo, siyempre kapag magaganda, matagal maligo. Malay niyo, maraming maakit na papables sa kabanguhan ko? Edi jackpot ang lola niyo, Bwahahaha >:) 

Dinala ko na lang ang sasakyan ko papunta sa mall para mabilis.

Una kong pinuntahan ang grocery. Bibili lang ako ng mga pwede kong makain ngayong gabi at bukas. Kumuha ako ng instant noodles, oatmeal, chocolate drink, chocolate bar at kung ano-ano pa. Papunta na sana ako sa cashier ng may nakaagaw ng atensyon ko.

Si Rocky Road at ang kasama niyang lalaki.

Probably her boyfriend? Or maybe not? 

"Eto pa" sabay lagay ng mga pagkain sa cart.

"Ano ba yan Rocky? Ang dami ng junk foods oh. Puro chocolate at chichiriya  lang naman kinukuha mo" pangsesermon ng lalaking kasama niya. In fairness ang gwapo niya. I mean super gwapo. Hihihi. Swerte ni Rocky Road.

I'm Gay but...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon