Gay: Thirty-two

2.3K 92 2
                                    

"Doing what you like is freedom. Liking what you do is happiness"

♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-♥-

Monday and tuesday passed, but still no Rocky. Ano na kayang nangyari sa babaeng 'yon?

Kasalukuyan kong hawak yung ginawa niya, ilang beses ko na ngang nabasa ang laman. Well, it's all about God and us. I wonder, ganon ba talaga katatag ang pananampalataya niya? 

***

Wednesday. Naisipan kong maglakad papunta sa school Hindi para maghanap ng papables kundi makalanghap ng sariwang hangin na kahit na sa totoo wala ka naman talagang masasanghap na sariwang hangin dito sa Manila. Hay!

"Beeeppppp!" 

"Hoy! Magpapakamatay ka ba??!" Huh? Me? Sa ganda kong 'to?

"Seph, don't be rude" ngayon ko lang na realize na muntik na pala ako masagasaan. Tsk. 

"Are you okay?" tango lang ang naisagot ko sa mukhang manikang nasa harap ko. Grabe ang ganduur.

"Hey" napanganga ako sa isang makisig na bumaba ng sasakyan. Gosh! Gwapo, though gwapo rin yung isa pa nilang kasama, yun nga lang mukhang gago. Hmp!

"Is there something wrong?" tanong ni Mr. Pogi habang parang kinakamot ang mata. Starstruck talaga ako. Shet! Para bang nakalimutan ko 'yung problema ko. Chos. 

"Wala. Ipagpagpatuloy mo lang ang pagtulog mo" sabi ni mukhang manika. Actually it was a sarcastic one.

"Okay." wait! Babalik na ulit siya sa sasakyan? Tsk! Wag muna! Kasi naman eh >___< Bakit kasi uto-uto?

"Hoy! Makatingin ka huh!" pakialemerong frog. Kadirs.

"Are you sure you're okay?" mukha ba akong okay? Pagkatpos mong paalisin si Pogi. Tss. 

I nodded, kahit labag sa loob ko.

"Eh yun naman pala eh! Halika ka na Cass, baka matunaw ka pa sa katitig ng isang to" isa pa talaga! Masasapak ko na ang mukha ng gagong 'to. Tsaka Duh! Hindi naman yang mukhang manika ang tinitingnan ko. Hmp! Di kami talo. 

"Seph!" napabuntong-hininga na lang yung Seph. Mukhang walang laban eh. Buti nga sa kanya, kasi kung hindi siya titigil, se-sephain ko na siya. "If you're okay then we'll go" ngumiti siya sa akin at ginantihan ko rin iyon.

Nang makaalis sila ipinagpatuloy ko na din ang paglalakad. Hindi ko man lang natanong yung pangalan nung pogi. Sayang!

***

Dumiretso ako sa music room, nagbabakasali lang naman akong nandon siya. 'Don kasi siyang madalas natambay kapag ayaw niyang pumasok sa isang subject o di naman kaya gusto niyang matulog o kaya magpalipas oras. Wala din naman kasing tumatambay dito. Siya lang talaga yung alam kong lumalagi dito. Pero na-disappoint ako ng wala akong natagpuang Rocky. Hay. Ano na kayang nangyari sa kanya? Galit kaya 'yon sa akin? Gosh! Malamang oo. 

I'm Gay but...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon