February 02, 20**
MESSENGER
Yani Arsula
Tuesday, 10:30 AM
Akemi:Nasa'n na ba kayo? Ang
tagal niyo naman.Nagtititingin pa kayo ng
mga pogi sa daan noh?
Madapa sana kayo.Yani:
Ikaw kaya makipagpatintero rito sa EDSA. Ang traffic na nga, puno pa mga jeep.
Akemi:
Sumabit na lang kayo,
ang aarte niyo.Yani:
Ikaw kaya isabit namin para masaya.
'Pag kami nadisgrasya, mumultuhin ka talaga naming gaga ka!
Akemi:
Hindi ako takot sa multo,
ang multo ang matakot sa'kin.Marami kaming supply ng
bawang dito sa bahay.Yani:
Gaga ka!
Para sa mga aswang 'yon!
Akemi:
Ay ganoon ba?
Pasensya na nalito ako,
mukha ka kasing aswang eh.Yani:
Wow so kasalanan ko pa?!
Putangina mo! Ikaw nga mukhang si Sadako.
Akemi:
Sa bagay, magaling naman
akong gumapang. (◕દ◕)Yani:
Nilulumot na utak mo, hali ka ipa-car wash natin.
Akemi:
Mas gaga ka! Kailan pa
naging sasakyan ang utak ha?Mag-aral ka kasi ng Science.
Yani:
I hate science because doctors love it.
Akemi:
Oh, walang balikan ng nakaraan.
Hayaan mo na iyong ex mong
mukhang aso.Find a walking green flag,
not a red one.••••
Thirty minutes after my conversation with Yani, finally they came.
"Ang tagal niyo naman. Saang bansa ba kayo nagbakasyon?" inirapan ko sila, pero ang totoo masaya akong nandito sila ngayon.
Ang mga kaibigan ko ang nagpapasaya sa akin, kahit sabihin pa ng iba na nababaliw na ako, wala akong pakialam. Para sa akin, totoo sila at pinapahalagahan ko sila.
"Masyado kang excited, Akemi. Palamunin mo kaya muna kami. Kanina pa nagdadabog ang tiyan ko." reklamo ni Yani saka nauna na siyang pumasok sa kusina. Nakita ko si Nanay Fe at nginitian niya lang ako.
"Nandito na ba ang mga kaibigan mo? Narinig kasi kitang may kausap sa labas." tanong niya. Siya lang ang nakakaintindi sa kalagayan ko.
I grinned happily. "Opo."
Nagmamadaling inayos ni Nanay Fe ang mesa saka naglapag ng tatlong plato at mga pagkain sa gitna. "Kain na kayo." Aniya na parang iniingganyo ang mga kaibigan ko.
Masaya kaming kumaing tatlo habang nagku-kuwentuhan, nakatingin lang sa akin si Nanay habang may ngiti sa mga labi.
Parang may kung anong humaplos sa puso ko. Alam kong hindi niya sila nakikita pero gaya ng parati niyang sinasabi, ang kasiyahan niya ay ang makita akong masaya.
I'm so blessed that I have her by my side.