The exam was fine. I was able to answer all the given questions. Mabuti na lang karamihan sa mga tanong ay napag-aralan ko nitong nakalipas na mga araw.
Kasama ko si Yani at Hera ngayon, papunta kami sa bahay. They're so noisy and stubborn but atleast l'm not alone.
"Bhe kanino iyang panyo sa itaas ng dashboard?" Yani pointed the handkerchief na ngayon ko lang din napansin sa loob ng sasakyan.
I stopped the car when l saw the red light. Sinuri ko ang panyo pero wala naman akong ganoong klase ng panyo, it's dark blue, definitely not my taste of color. I prefer hasbrouck brown and night shade. My mom said l have weird favorites, but who cares?...I like it.
I shrugged. "I had no idea, it's not mine." I was staring at the pedestrian traffic lights when a thought came to my mind.
I was drunk that night, l can't remember what happened. And nanay Fe said she saw me sleeping on the hammock outside our gate and my car was nowhere to be seen. I panicked then all of a sudden a police officer took my car home to us. He said a relative of him called to bring my car back to me.
I asked who his relative is but he didn't answer my question. Umalis lang iyong pulis at sinabing huwag na akong uminom ulit dahil may magagalit kuno.
He's weird.
And there's this guy who said l was with him that night. Hindi kaya 'yung kamag-anak ng pulis na tinutukoy niya ay si Rhys? Kung ganoon totoo ang sinabi niya...pero paano? I'm sure he's not real, sigurado ako ro'n dahil noong nagsend siya ng picture niya na kumakain ng noodles at ipinakita ko iyon kay Nanay Fe, sabi niya kausap ko lang daw ang sarili ko sa messenger.
Walang Rhys, hindi siya totoo. Parte lang siya ng imahinasyon ko...
"Akemi, go na!"
"Bhe natutulog ka ba na nakadilat ang mata?"
"Aki, maraming nakasunod sa'tin. Hoy!"
"AKEMI!"
Hera hit my shoulder made me out from my reverie. Narinig ko ang malalakas na busina ng mga sasakyan sa likuran namin kaya inusad ko ang sasakyan ko.
"Anyare sa'yo bhe, nanaginip ka ba ng gising? Kulang pa ba 'yung pagsapak ko sa'yo?" tanong ni Hera sa akin habang kumakain ng chichirya. Hindi ko na lang siya pinansin, baka pagtripan na naman ako ng gaga.
"Eh kung ikaw kaya sapakin ko." Yani rolled her eyes at Hera who just laughed. "Don't talk when your mouth is full." she added.
Hera frowned at that then she unconsciously touched her mouth. "Hindi naman nahulog ang bibig ko ah."
Sabay kaming napatampal ni Yani sa noo. Noong umulan ng kabobohan nalunod si Hera.
"Full, hindi fall." Yani shook her head like she's losing hope. "Jusko college na tayo, ba't ganiyan ka pa rin mag-isip?"
Hera shrugged. "Hindi uso ang glow-up sa'kin."
Buong maghapon kong kasama ang mga kaibigan ko, nanood kami ng palabas, nagkuwentuhan, nag-asaran, kumain, gaya ng parati naming ginagawa kapag kaming tatlo lang. Kung may ibang tao na makakakita sa akin sa ganoong pangyayari iisipin nilang nawawala na ako sa sarili.
But l don't mind, the important is my happiness not theirs. I was born in this condition, and l already accept it. I...I just want to be happy that's why l made them.
Hera and Yani.
My imaginary bestfriends.