February 10, 20**MESSENGER
Pabobo Squad
Wednesday, 06:42 PMYani:
Baka siya ang nawawala mong jowa dati.
Hera:
Gaga may gano'n? Lost and found boyfriend? Ampucha!
Baka secret admirer mo siya Akemi.
Yani:
Mas gaga ka Hera! Secret admirer tapos biglang magcha-chat? SECRET admirer nga di'ba? Ibig sabihin sekretong humahanga hindi nagcha-chat.
Anong utak meron ka, sabaw?
Akemi:
Order in the court!
Hera:
Isang chicken cordon please
Yani:
AHAHHAHA ang bobo!
Putangina mo Hera! Ikaw ang papatay sa'kin.
Hera:
Huh? Ang layo kaya ng bahay niyo sa'min.
May bukas pa Yani, bukas na lang kita sasakalin para matapos na ang paghihirap mo :)
Akemi:
Guys, seryoso ako please
lang tumino muna kayo.
Naguguluhan na talaga ako,
araw-araw niya akong china-
chat sa lahat ng social media
ko. Hindi ko nga alam
paano niya nalaman ang
fb at twitter ko eh.Hera:
Gaga! Iisang pangalan lang naman ginagamit mo sa lahat ng social media mo.
Uso mang stalk, try mo rin kaya.
Akemi:
Ay oo nga pala, alangan
naman kasing pangalan
ni Nanay Fe ilagay ko
edi naloka na.Yani:
Ano bang real name ni Nanay Fe?
Akemi:
Felicia Diosdada Sinisinta
Hera:
Sanaol Sinisinta, ako kasi Sinisingil.
Yani:
Hoy Hera 'yong utang mong singkwenta! Mag-iisang taon na 'yon ah!
Paubos na load ko, magbayad ka na!
Hera:
Grabe ka bhe, kala ko christmas gift mo na sa'kin 'yon.
Yani:
Walang kaibi-kaibigan pagdating sa utang.
••••
Napatampal na lamang ako sa aking noo nang magsimula na silang magsingilan ng utang. Hindi ko na alam anong gagawin ko. Chat ng chat sa akin ang Rhys na iyon pero nakapagtataka dahil ngayong araw hindi siya nagparamdam.
Tsk. Pa'ki ko naman!
But because of this freaking curiosity, l unblocked and stalked him. Napatakip ako ng bibig nang makita sa malapitan ang profile picture niya.
Is he a model? Or an actor?
The photo looks real. He's inside a room, sitting on the edge of the bed while holding a book,...wearing nothing on top!
Damn! He has a great body build!
"Oh my god!" Nataranta ako nang ma-like ko ang profile picture niya! Nakahinga ako ng maayos nang mabawi ko iyon kaagad. Mga one to two seconds lang 'yon, hindi naman siguro niya napansin di'ba?
Rhys Archiever Enriquez sent you a friend request.
Rhys Archiever Enriquez sent you a message.
WTF?!
I instantly turned off my phone and pulled my hair because of irritation!
Arghhh!! I hate stalking!
I had no choice but to clear things out, he might assume that l like him for pete's sake! This is insane!
MESSENGER
Wednesday, 07:02 PM
Rhys:
Done stalking me?
Hindi mo naman sinabing may lihim ka pa lang pagtingin sa'kin.
Huwag ka nang mahiya nahuli na kita, l know you like me.
Akemi:
AHAHHAHAAHAHHAHA
Rhys:
Anong nakakatawa? Siraulo ka ba?
Akemi:
Siraulo! Napakafeelingero
mo! Nakakatawa ka! Napindot
ko lang nag-assume ka agad.Bakit? Sino ka ba para
magustuhan ko?Rhys:
Well, let's just say that I'm the one you've been praying for.