MESSENGERPabobo Squd
Friday, 9:44 AMHera:
Waaaaahhhh!!!
Oh tapos? Anong sinagot mo sa kaniya Akemi?
Nag I love you ka ba?
Yani:
Ang mga in denial hindi nag co-confess 🙄
Hera:
Hoy hindi ako in denial ah!
Yani:
Sinabi ko bang ikaw?
Hera:
Ay heheh sabi ko nga ikaw 'yon.
Yani:
Anong ako?
Hera:
Ikaw ang in denial, sabi mo hindi ako eh so ikaw 'yon.
Yani:
🤦🏻♀️
Tumahimik ka na lang pwede?
Akemi:
I was speechless. Ang bilis niya kasi, suddenly he confessed that he want to marry me.
Buti na lang wala akong sakit sa puso, kun'di baka inatake na'ko.
Hera:
Ayyieeee kinikilig si Akemi.
Pumipintig ba sa kilig suso mo bhe?
Yani:
Tangina
Akemi:
Hindi😊
Pumipintig kamay ko, parang gusto na kitang sampalin.
Hera:
AHAHAHAH joke only.
Magpaka speed ka rin kasi Akemi. Sabihin mo "mag-honeymoon na tayo." Tignan ko lang hindi ba siya magulat.
Yani:
Anong honeymoon? Label nga wala sila eh.
Hera:
Sagutin mo na kasi, Akemi.
Arte mo, buti na lang maganda ka kung hindi
Akemi:
Kung hindi ano?🤨
Hera:
AHAHAHHA hindi bagay sa'yo ang magtaray bhe, masyado kang mabait eh.
Akemi:
May kailangan ka noh?
Hera:
Ah hehe, may bagong tapsilogan malapit sa school.
Beke nemen.
Yani:
Ang sabihin mo maraming pogi roon kaya g na g ka.
Landi lang yan, Hera. Tumigil ka.
Hera:
Ikaw na nagsabi 'maraming pogi' so may napupusuan ka noh? Ikaw ah malandi ka rin.
Yani:
'Wag mo 'kong itulad sa'yong gaga ka.
Hera:
We're friends, and friends are like family.
Akemi:
Anong connect?
Hera:
Kapag pamilya, patas lahat.
Kung malandi ako, gano'n din kayo.
Yani:
Ampon ka lang.
Hera:
Ang sama mo Yani, fake friend ka!
Akemi:
Enough kids
Yani:
Hera, isip bata AHAHAHHA
Hera:
Yani, paalaway ng bata 😡