CHAPTER 5

404 23 11
                                    

                     February 11, 20**

                         MESSENGER

                         Yani Arsula
                   Thursday, 07:14 AM


Yani:

Luh, sinabi niya talaga 'yon?

Baka nalipasan lang siya ng gutom o kulang sa tulog.



                                      Akemi:

                      Siguro. Ewan ko,
                       ang weird niya.



Yani:

Nagreply ka?

'Wag mo namang i-ghost, malayo pa ang undas.



                                          Akemi:

                Hindi na'ko nagreply.
                Iiwasan ko na rin siya.
        Hindi siya makakabuti sa'kin.



Yani:

'Wag magsalita ng tapos.

Baka kinabukasan magising ka na lang na hinahanap-hanap mo na ang kakulitan niya.

Alam mo Akemi, hindi lahat ng tao iiwasan ka, hindi lahat iiwan ka.




                                  Akemi:

                           Ikaw ba, Yani.
              Hindi mo ba ako iiwan?



Yani:

Nasa sa'yo na iyon kung buburahin mo na ako sa isipan mo.




                                        Akemi:

                            Hindi ko kaya.



Yani:

Pero kailangan. Pa'no ka gagaling kung iniisip mo pa rin kami ni Hera?




                                       Akemi:

                                Totoo kayo.



Yani:

Dahil iyon ang nararamdaman at iniisip mo. Para sa'yo totoo kami, pero likha lang kami ng imahinasyon mo na hindi mo kayang burahin sa'yong isipan.



                                    Akemi:

             Ayoko! Dito lang kayo.



Yani:

Tandaan mo 'to, Akemi. Magbabago ang lahat. Naniniwala akong gagaling ka.

Makakalimot ang utak, pero hindi ang puso.

••••

A lone tear fell from my eyes as l read what Yani said. Nandito ako ngayon sa isa sa comfort room ng school namin, nagtatago. I hate crowded places pero wala naman akong choice, para sa pangarap ko kailangan kong makapagtapos ng pag-aaral. I can't stay at home learning online. A progress starts when you're out of your comfort zone.

"Arghhh!! I really hate that psychopath girl! Masyado siyang pabida." I heard a familiar voice, if l wasn't mistaken boses iyon ni Sylviena. Ang pangalawa sa Dean's list. Magka-klase kami, and she sees me as her competitor.

"Oh yeah right, she should be out of here." Her bestfriend Dalia agreed.

Tahimik lang ako sa loob ng cr, pinapakinggan sila habang inaapakan ang pagkatao ko.

"She doesn't deserve that achievement! Ako dapat iyon dahil ako ang mas magaling at ako ang may normal na pag-iisip. That girl is a psychopath! Baliw siya, baliw!" galit na sabi ni Slyviena, hindi niya matanggap na sa akin binigay ang parangal kanina dahil nanalo ako sa isang patimpalak.

When l noticed that they're already left, lumabas na rin ako mula sa loob ng cr. Pagkatapos na pagkatapos ng klase namin ay agad akong umuwi. I have my own car and l know how to drive, habang nasa biyahe napansin ko ang isang batang babae sa gilid ng kalsada, sa hitsura niya mukhang nawawala siya. I stopped the car then l walked towards her.

"Hi, baby." I beamed at her.

"Hello po ate ganda!" Nginitian niya rin ako. Ang ganda niyang bata. "Nakita niyo po ba ang mommy ko?"

Luminga-linga ako sa paligid. "Nawawala ka ba? Paano ka napunta rito?" Hinaplos ko ang medyo kulot niyang buhok. Kawawang bata, siguro nag-aalala na sa kaniya ang mga magulang niya. "Hali ka, punta tayo sa presinto para mahanap mo na ang mommy mo."

Akmang bubuhatin ko na ang bata nang may lumapit sa aking guwardiya, bakas ang kaguluhan sa mukha nito.

"Hija, sinong kausap mo?" tanong ng guwardiya sa akin.

Tinuro ko ang batang babae na nasa harapan ko. "Itong batang babae po."

Luminga-linga ang guwardiya sa paligid saka ako pinakatitigan. "Hija, tayo lang ang narito. Sinong batang babae ang tinutukoy mo?"

Mariin kong ipinikit ang aking mga mata at nang tignan ko ang batang babae ay wala na ito sa aking harapan. Napasinghap ako.

"Hija, ayos ka lang ba?"

Tinakpan ko ang magkabila kong taynga. Mabilis akong sumakay sa aking sasakyan para makaiwas sa anumang katanungan. "Please give me a peace of mind." I silently pray.

Because of this disorder, people thought that l'm crazy, a psychopath...I'm so sick of their judgements.

Kailan ba ako mamumuhay ng normal? Will l experience a happy life? Or l'll live alone in the dark.

The Art of Love Where stories live. Discover now