February 14, 20**
MESSENGER
Sheryl Fuentez
Sunday, 5:20 PMSheryl:
Come on, Akemi.
Ikaw na lang hinihintay dito. It's Chandra's birthday, please pumunta ka na.
Akemi:
My parents won't allow me.
Sheryl:
Gosh! Hindi ka na bata, you're free to do whatever you want! have fun girl.
'Pag hindi ka pumunta magtatampo talaga sa'yo si Chandra, birthday pa naman niya ngayon.
Akemi:
Fine, l'll be there.
Sheryl:
6:30, okay? Don't forget.
••••
Napabuntong hininga na lamang ako saka pumili ng damit sa closet. Birthday party daw, hindi mawawala ang inuman.
I wear my favorite set of korean fashion clothes. I bought this online at ngayon ko pa lang siya masusuot sa labas. I took pictures of myself pero nandito lang ako sa bahay. Ang sakit sa taynga ng ingay sa labas. I hate parties pero namilit talaga si Sheryl. Hayst.
Nagmyday ako pero hindi ko pinakita ang mukha ko. Pagkatapos kong mag-ayos ay nagpaalam ako kay Nanay Fe, ang bilin niya huwag daw akong uminom. Well, l'm not planning to.Huminto pa ako sa mall para bumili ng bag para iregalo kay Chandra kaya 7:00 PM na ako nakarating sa BGC.
"You're late." Chandra said when she received the gift l gave her, nakipagbeso pa siya sa akin pagkatapos ipinakilala niya ako sa mga kaibigan niyang lalaki. "Guys, this is Akemi Isabella Okada, she's half japanese. Architecture. Classmates kami sa UST."
A guy with blonde hair offer his hand at me. "Kirk Vernon Montello. I'm from Ateneo, 3rd year Law student." Pagpapakilala niya. Nakipagkamay ako sa kaniya pero agad din akong bumitaw dahil bahagya niyang pinisil ang kamay ko.
The heck?
Nginitian ko lang ang ibang nagpakilala sa'kin. Wala sa sariling napalingon ako sa aking gilid nang mapansin kong parang may nakatingin sa akin mula roon.
"Are you okay?" Chandra asked.
I nodded. "Yeah, l'm fine."
Inabutan niya ako ng baso na may lamang alak. Napangiwi ako. "Sorry but l don't drink alcohol." nahihiyang sabi ko.
Pero nagpumilit talaga si Chandra. "Just this one. Subukan mo lang, sige na please." Malalim akong napabuntong hininga. Tinanggap ko iyon at mabilis na ininom. Parang napaso ang lalamunan ko....ang init sa pakiramdam. Gusto ko na lang hubarin ang damit ko kasi naiinitan na ako.
Ang tanga ko talaga! Sigurado akong may hinalo sila sa inumin ko kaya ako nagkakaganito.
"Excuse me..."
Mabilis akong tumayo at naglakad papunta sa pinakamalapit na cr, nahihilo ako at inaantok. Sapo ko ang aking ulo at muntik na akong matumba nang may brasong pumulupot sa beywang ko.
"Ayan, nalintikan na ang tigas kasi ng ulo, sinabihan nang 'wag uminom ginawa pa rin. Ilang beses ka ba inire ng nanay mo? Ampucha." Boses iyon ng lalaki na nagre-reklamo. Malabo sa paningin ko ang mukha niya but l know he's wearing a face mask to hide his face.
"G-get your h-hands off me." nauutal na sabi ko pero ang walang hiya kinarga ako na parang sako ng bigas. "Ibaba mo 'ko...t-tulong.." nanghihina na ako. Ang init!
"May nilagay sila sa inumin mo kaya ka nagkakaganiyan. 'Wag kang mag-alala wala akong gagawing masama sa'yo, sa guwapo kong 'to? Baka ikaw pa may gawing masama sa'kin." the guy said with confidence. Kahit na lasing ay nagawa ko pang suntukin ang likod niya.
He stopped walking then he deposit me to the shotgun seat. Sinuotan niya pa ako ng seatbelt bago siya umikot at pumasok sa driver's seat.
Infairness, ang bango ng sasakyan.
Sasakyan?....Hala iyong sasakyan ko!
"My c-car..." nanghihinang sambit ko. Lagot ako kay papa kapag nawala iyon!
"Ipapahatid ko na lang sa inyo." sagot niya.
Kumunot ang noo ko. "You know my address?" Dinuro ko siya. "Hoy! Sino ka ba talaga?" Malay ko ba, baka miyembro ang lalaking 'to ng akyat bahay gang. Jusko po.
Pero wala naman sa pormahan niya ang pang akyat-bahay gang...Ah! Baka magnanakaw siya ng sasakyan kaya ang ganda ng sasakyan niya.
Pero wala rin namang magnanakaw na amoy mamahalin.
"Bingi ka ba? Sumagot ka hoy!" Sinapak ko siya kahit wala na akong lakas.
"Huwag mo nga akong ma hoy diyan, may pangalan ako, unique pa." Pagmamayabang niya saka mabagal na pinausad ang sasakyan kasabay ng malamyos na musika.
"Anong pangalan mo?" Hindi mapigilang tanong ko. I don't know why but for some reasons l want to know this stranger's name.
He shrugged. "Hulaan mo."
"Anong tingin mo sa akin, manghuhula?" Tinarayan ko siya.
Mahina siyang natawa at napailing. "Kahit lasing nagtataray pa rin."
Kinurot ko siya sa tagiliran, wala talaga siyang balak ipakita sa akin ang mukha niya. "Ang pangit mo....I hate you."
He chuckled then he look me deeply into eyes.
Ngayon ko lang napansin na ang ganda ng mga mata niya lalo na kapag natatamaan ng ilaw sa daan.
He smiled genuinely. "You're cute." then he pinched my cheek and said.
"I can't hate you, l feel the opposite to that."