Kabanata 9

8.6K 276 15
                                        

Kabanata 9

While Jaizer is busy discussing, napapansin ko ang kanyang mga matatalim na tingin. Paulit ulit niya akong tinititigan kanina pa, na para bang mayroon akong nagawang kasalanan. Kung nakakamatay lang talaga ang pagtitig ay kanina pa ako bumulagta rito. Hindi ako makatingin sa gawi ni Janna dahil alam 'kong pauulanan niya ako ng mga tanong mamaya. Siguro iiwasan ko muna siya sa ngayon dahil hindi ako handa na sagutin ang kanyang mga magiging katanungan.

Buong oras siyang nagtuturo habang ako naman ay parang di makaupo nang maayos. Paano ba naman kasi parang kinakabahan talaga ako kanina pa dahil sa mga naging eksena nitong umaga. Kung bakit ba kasi ayaw magpaawat ni Vince kanina? Nakakainis!

Hindi kasi nakapalag ang grupo nila Vince sa pagdating ni Jaizer kanina buti nalang para silang tutang biglaang umamo at tinigilan rin ako. Ayon pinaalis lang naman ni Jaizer sila at sumunod rin naman ang mga damuho. Takot rin naman pala. After ako ipagtanggol ni Jaizer kanina ay umalis lang rin siya na parang walang nangyari. Napaka bipolar talaga.

"And this ends our discussion for today. Our time is up so good bye class."

"Good bye sir, and mabuhay!" Sabi rin naming lahat.

Akma ng aalis si Jaizer sa labas nang pintuan pero bago pa siya tuluyang umalis ay binigyan pa niya muna ako ng makahulugang tingin. Nagpapahiwatig na huwag kalimutan ang napagkasunduan. Of course hindi ko na makakalimutan 'yon no. Dahil panigurado malilintikan ako sa mga parusa niya.

"Bakla ka, ano may something na kayo ni sir ano?" Biglang lumapit sa akin si Janna. Hay naku mukhang hindi ko talaga siya maiiwasan sa pagkakataong ito. Nagkunyare nalang akong walang pakealam at kinakalikot na lamang ang loob ng aking bag, act like a fool lang Aiko kunyare hindi kinakabahan.

"Type ka siguro ni sir, swerte mo at pinagtanggol ka kanina...Naku kahit crush ko 'yon mas support parin ako sa inyong dalawa kapag magkatuluyan kayo. Kaso nga lang bawal 'yon sa policy ng school so sayang bakla!" Anong sayang may nangyari na nga samin, worth it naman.

"Tumahimik ka nga baka may makarinig sayo, laki pa naman ng bunganga mo!" Sabi ko nalang habang inaayos ang loob ng bag ko. At naghahanda sa papalapit naming next class. Napansin ko ang pagsulyap sa akin ng mga ka grupo ni Vince pero di ko ito nilingon o pinansin.

"Oy muntikan ko nang makalimutan!" Bigla niyang sambit. "Di kana pala nag tatrabaho sa bar? So it means di kana pokpok!" Natigil naman ako sa ginagawa ko.

"Ahh ano kasi, teh..." paano ko ba 'to e explain sa kanya baka magtampo. Gosh, I felt so bad sa kaibigan ko. Pero taray parang boyet lang, hindi ka na pokpok aubrey yarn?

"Iniwan mo na ako? Kala ko ba walang iwanan!" Kunyareng nasasaktan siya sa nangyayari kinutungan ko naman siya.

"Ayaw ko na kasi don... May lakas na kasi ako ng loob lisanin ang lugar na 'yon, alam mo namang pareho lang tayong tinatatagan ang sikmura natin diba, and this time di ko na talaga kaya! Kaya pasyensa bff kung umalis ako, I'm sorry kung di ko nasabi sayo agad." Nagkukunyare pa siyang nagiyak-iyakan kahit wala namang luhang pumapatak.

"Nagulat talaga ako nong nag resign kana. 'yong totoo ano ba talaga ang rason bat ka nag resign sa bar ha bakla ka, alam 'kong lubog ka sa utang imposibleng di ka na naghahanap ng trabaho ngayon?!" Di naman ako totally na nag resign kundi pinilit na mag resign. Pero hindi ibig sabihin non na hindi na ako isang bayaran. Hindi parin ako nakakaalis.

My Next Customer (Montiguido #2 - UNDER EDITING)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon