Kabanata 15
Kakatapos lang ng klase at buti naman sa naging oral recitation namin kanina ay nakasagot ako, sabi ko na nga ba effective ang brief ni Jaizer pampaswerte. Gaya ng ginagawa ko nitong mga naka raang araw palihim parin akong pumupunta sa office ni, Jaizer. Hindi naman kasi ganun ka exposed masyado ang office niya. Marami kapang madadaanang pasilyo bago mo marating iyong redroom iste office niya. At mabuti na rin nasa malayong lugar ang kanyang office kung saan walang masyadong estudyante ang dumadaan. Kaso nga lang malayo talaga at madadaanan ko pa ang cafeteria. Tiis tiis muna ako sa paglalakad doon palagi.
Pumunta muna ako ng comfort room syempre kailangan nating mag retouch para fresh at maganda tayo sa mga mata ni sir. Pagkatapos ay umalis na rin at tumungo na matapos ko pagsawaan ang sarili sa salamin.
Nahagilap ng mga mata ko ang grupo nang mga kalalakihan, nasa tapat sila sa pintuan ng cafeteria wariy may pinagusapan. May ibang babaeng nakatanaw sa banda nila at kinikilig habang nag bubulungan, obviously they're well known kasi nga mga varsity. Iyon nga lang napagtanto 'kong grupo ito nila Vince.
Humina bigla ang aking paglalakad at napalingon sa paligid at naghahanap ng pwedeng lusutan huwag lang nila ako mahagilap. Minsan kasi pag nasa room lang kami ay hindi naman ako ginagambala ni Vince especially sa umaga dahil mayroong instructor, lalo na pag nagkaklase si Jaizer na panay ang tingin sa akin sa tuwing nagkaklase siya. Pero pag sa labas naman ng room ay agaran ako nitong kinukulit, at sa puntong ito kung sakali mang makita niya ako alam kong gagambalain na naman ako nito.
Parang mahihirapan akong makakalusot nito ngayon. Dahil kahit saan ako tumingin ay wala akong makita pwedeng daanan, dapat na nga lang sa field na ako dumaan e kaso sobrang init. Kaya wala na akong ibang paraan kundi bumalik sa dinaanan ko kanina.
Akma na akong aatras ng biglaang napansin ako ng isa sa mga kasamahan ni Vince.
"Vince, diba baby mo 'yon?" Rinig ko sabi ng kaibigan ni Vince na nakapansin sa akin.
Napasinghap ako at nanigas. Kung dati ay go na go ako sa tuwing magkakasalubong kaming dalawa, e ngayon hindi na. Hindi ko alam kung ba't ako kinakabahan. Na para bang takot makagawa ng kasalanan.
"Oo nga siya nga. Vince, parang nagpapapansin sayo iyang baby mo ah, hinihintay ka ata!" Rinig ko pang sabi nung isa. Shuta naman ate pag ito talaga makita ni Jaizer malalagot ako nito at pati rin sila. I know how very possessive that alpha so bad. Remember, he owns me daw diba?!
"Tang*na!" I said at tyaka tumalikod at naglakad pabalik. Pero ramdam kong nakasunod siya agad sa likuran ko.
"Nagmamadali ka naman ata masyado, Aiko... Sandali lang naman." Lumapit ito sakin at naramdaman ko ang kanyang kamay na humablot sa aking braso, at tyaka niya ako pinilit na iharap sa kanya.
"Bitiwan mo ako, Vince!" Pagpupumiglas ko sa kanyang pagkakahawak.
"Mali ata ang dinaanan mo dahil hindi ito ang daan pauwi... O baka naman hinahanap mo ako, you missed me do you?" Maraming mga estudyante ngayon ang napapatingin na sa aming gawi at bakas sa mga mukha nila ang pagtataka. We're making a scene now, at umeeksena talaga ang gag*ng to oh!
"Of course not, and I'm not here to see you! Napaka assuming mo naman!" Pagtanggi ko dahil totoo naman. Hindi ako nandirito para kitain siya, at hindi rin naman siya ang sinasadya ko rito. Nakita kong sumunod ang kanyang mga kaibigan at nakangiting pinagkakatitigan kaming dalawa.
"Sus pakipot ka pa ah... I can offer you a ride, a good one. Gusto mo sa bahay tayo? Gaya ng dati?" Sabi niya at tyaka lumapit at inakbayan ako, balak ko pa nga sanang kabigin ang kanyang pagkakaakbay ngunit sobrang higpit nito sa aking batok.
BINABASA MO ANG
My Next Customer (Montiguido #2 - UNDER EDITING)
Romance"MY NEXT CUSTOMER" -Jaizer Montiguido [Mpreg] Aiko Laze Mendes is a gay prostitute and a student. He did not notice that he is failing in one of his subject, he doesn't want to lose his scholarship; he doesn't know what to do or where to get someone...
