Kabanata 24

6.6K 213 8
                                        

Kabanata 24

Mag-isa lang akong naka higa sa loob nitong kwarto namin ni Jaizer, iniinda ko ang lamig na dumadaloy sa air-conditioner nitong silid. Wala akong ginagawa kundi ang magmukmuk rito. Kanina lang rin ako tulala. Hindi na ako pumasok pa sa paaralan at mukhang wala na talaga akong balak na bumalik pa roon. Tyaka naging blanko ang isipin ko kanina, basta ang naaalala ko lang pasan-pasan ako ni, Jaizer pauwi rito sa mansyon niya. Hindi ko alam kung may nakakita ba sa naming dalawa kanina pero kahit makita man nila alam naman na rin nila ang tungkol sa relasyon namin.

Tumalukbong pa ako sa kumot at pilit na natutulog kahit hindi ko naman kayang magawa. Gusto 'kong pigain ang sarili, iyon bang gusto ko nalang mawala sa mundo. Iyong maglaho ka nalang ng parang bula. Pakiramdam ko kasi sobrang bigat ng dinadala ko, tila gusto ko nalang na lumuhod at sumuko. Gusto kong makalayo, makatakas, lumaya sa pakiramdam na parang pinagkakaisahan ako ng mundo. Iyong pakiramdam na kinakawawa. Gusto 'kong makaalis sa pakiramdam na ganun.

Namumugto na rin aking mga mata kakaiyak kanina. Ang sabi ko pa naman sa sarili ko na hindi ako iiyak dahil papasaan pa't sira naman na rin ako matagal na at kahit kailan hindi na mabubuo pang muli.

Pero masakit parin talaga. Iyong akala mong malakas ka, pero akala mo lang pala. Akala ko immune na ako sa stage na masasaktan parin kapag naiinsulto pero no'ng nangyari sa school kanina, nakakaramdam parin ako ng sakit. Nahihiya parin ako sa sarili ko. Hindi ko parin pala talaga kaya.

Napapaisip ako kung nagiging masaya ba sila, gumaan ba ang buhay nila, nagkapera ba sila habang nangmamaliit ng isang tao? Kasi kung ganun lang naman pala ang paraan para makaangat, ayaw ko nalang yumaman, ayaw ko nalang umangat sa buhay.

Narinig ko ang pagtunog ng pintuan, hudyat na bumukas ito. "Kumain ka muna..." Boses ni Jaizer ang narig ko.

Umangat ang ulo ko at tinignan siya. Mayroon siyang dalang tray at mayroong nakahain na mga pagkain roon. Inangat niya ang kumot at tinignan akong niyayakap ang sarili. Nga pala siya rin ang nagbihis sa akin kanina dahil tulala lang ako the whole time. Kahit pa't mabango yung pagkain at nakakaramdam narin ako ng kirot ng sikmura ay tila wala parin akong ganang kumain. Para kasing hindi ko ata kayang lumunok ng kahit isang kutsarita man lang ngayon.

"You should eat..." Malumanay niyang sambit. Hinimas niya ang braso ko pababa sa aking likod. Ganun parin ako at tulala habang yakap-yakap ang sarili. "Nilalamig ka..." Tumayo siya at pinahinaan ang lamig ng aircon, pagkatapos ay bumalik siya sa aking tabi.

"I don't know what to do now, Jaizer!" Mahina kong sambit ngunit ramdam ko roon ang pait. Pagod na akong umiyak kanina at namamaos na ang boses ko garalgal at parang hindi na maayos ang paghinga. Tunog pagod na ako. Dahil literal na pagod na pagod na talaga ako.

Bumuntong hininga muna siya at tyaka niya ako inalalayan na umupo mula sa pagkakahiga, hindi naman ako umalma roon. Then he hugged me from the back. Mahigpit ang yakap niya at ramdam ko ang init ng kanyang katawan na nagbibigay ng komportableng pakiramdam sa akin.

"You'll now get rid of me, right? Nasira ko ang reputasyon mo, malaking kahihiyan iyon sayo..." I said in devastation. Pakiramdam ko parang ako ang punot dulo nang mga kamalasan na nangyayari sa buhay ngayon ni, Jaizer. Sa palagay ko hindi na rin niya siguro ako pipilitin pang makaalis. "K-Kung sisibakin mo man ako... A-Ayos lang."

Kahit pa dati gustong kong lumayo muna sa kanya pero parang ngayon ay ayaw ko na muna. Para kasing siya nalang ang meron akong pwedeng malapitan. Hindi na ako makakapag-aral pa at alam ko namang hindi niya rin ako pipilitin pang makabalik dahil nga may issue kami. At ayaw niya ring mapahiya kaya naiintindihan ko.

My Next Customer (Montiguido #2 - UNDER EDITING)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon