Kabanata 18

7.4K 221 6
                                        

Kabanata 18


Tatlong araw akong nakahiga sa kama dahil hindi ko masyadong maigalaw ang katawan ko dahil sa mga pasang natatamo pero hindi naman na ganun kalubha ang sakit dahil nga pabalik-balik rito sa kwarto ang medic na sa palagay ko ay inutusan ni Jaizer. Hindi na rin masyadong masakit ang pang upo ko although I'm used to it pero iba talaga ang atake niya. I can't tolerate his size when he gets aggressive.

Ilang ulit narin akong sinubukang kausapin ni Jaizer pero pilit ko parin siyang tinataboy dahil nga mayroon paring puot ang aking puso. Gusto ko sanang ilugar ang sarili pero di ko alam kung saan ko ba nakukuha ang tapang kung bakit kaya 'kong sagot-sagutin si Jaizer ng ganun. Imagine tinataboy ko siya sa sarili niyang pamamahay. Pero ang mas nakakagulat pa wala man lang siyang reklamo na para bang willing siyang saluhin lahat ng galit ko sa kanya. Palagi rin ako sinusuri ng doctor na ipinadala niya para bigyan ako ng gamot kung meron mang masakit sa akin.

And right now. I'm kinda fine, but not totally healed. Hindi pa ganun ka galing iyong pakiramdam ko pero I know I will be better. Maybe bukas magiging maayos na pakiramdam ko. Sa tuwing matapos ako sa pagtatrabaho noon, hindi talaga maiiwasan na magkakaroon ka ng sakit ng katawan. Pero sa mga naging paraaan ni Jaizer parang dumbole ang lahat ng iyon.

Actually, nilagnat ako no'ng nakaraang araw. Kaya tudo naman ang pagalala niya sa akin. I don't know but it feels so good knowing he cared that much for me. At dapat lang dahil kagagawan niya naman ito.

Pumasok siya sa loob nitong kwarto, ganun parin ang kanyang tindig. He looks gorgeously hot. He dresses neatly like a decent grown up man na sa isang tingin mo lang alam mong mabango at malinis ito na parang laging naliligo. Umiwas ako sa matalim na tingin nito.

Inalis ko ang kumot na bumalot sa aking katawan at tyaka tumayo. "Where are you going?" Tumungo ako sa closet dahil kailangan ko ng magimpake.

Napagdesisyonan ko na rin na hindi na ako mananatili pa sa bahay na 'to. Babalik nalang ako doon sa apartment, sabi naman ni aling Galinda pwede pa raw akong bumalik roon no'ng nalaman niyang aalis na ako, hindi niya raw muna ipa o-occupy para may bakante pa pag sakaling babalik ako. Maaari pa namang ipagpatuloy ang kasunduan na hindi kinakailangang manirhan sa puder niya. Kahit nanghihina ay kailangan ko itong gawin, dahil hindi ko na gustong manatili pa rito.

"Let me help you." Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin at inalalayan ako mula sa likod para alalayang makapaglakad ng maayos pero iniwaski ko ito dahil ayaw kong maramdaman ang kanyang balat sa aking katawan.

"Uuwi muna ako sa amin, ayaw ko ng mag stay pa dito...pero huwag ka magalala tuloy parin ang kasunduan." Sabi ko at tyaka marahang humakbang patungo sa closet para kunin sana ang damit ko doon. He let me treat him like this, then lubus-lubusin ko na. Ba't ako mahihiya matagal na makapal ang pagmumukha ko.

"Hindi kapa magaling...Umupo ka nalang, ako na magdadamit sayo." Akma na siyang gagawin ang nais kong gawin nang sinamaan ko siya ng tingin na kanya namang ikinatigil.

Mas lumapit pa ako sa closet at binuksan ito. Pero bumungad lang sa akin ang malinis at walang kahit anong lamang closet. Kahapon may laman pa ito pero ba't wala na ngayon? Masyado kasi naging mahimbing ang pagtulog ko kanina kaya di ko siguro namalayan. Nagtataka naman akong napatingin kay Jaizer. I know he knew about this.

"Where's my clothes?" Galit kong tanong sa kanya. "Saan mo dinala?" Naka crossarm siya ngayon kaya bumakat ang kanyang biceps iniwasan ko ang tingin ko doon dahil nga galit ako ngayon.

Humakbang siya palapit sa akin habang may multong ngiti sa labi. Napagplanuhan niya na ito, he calculated this already, alam niyang mangyayari ito kaya inunahan niya na ako.

My Next Customer (Montiguido #2 - UNDER EDITING)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon