Kabanata 27
Nakilala ko na rin ang iba pang mga kapatid ni, Jaizer. At lahat sila ay hindi nakalapit pa sa akin dahil todo naman harang itong si sir niyo. Pabida-bida masyado ayaw niya akong palapitin sa mga masasarap niyang kapatid.
Siya lang naman ang titikman ko e inggetero talaga ayaw malamangan kahit alam naman niyang sa kanya lang ako kakalampag. Patay na patay sakin masyado, naintindihan ko naman dahil sino ba namang hindi mababaliw sa ganda kong 'to. Pero aminin medyo kinilig ako do'n ng slight. Sarap rin kasi minsan na inaangkin ka, iyon bang may taong ayaw ka mapunta sa iba, iyong takot na mawala ka sa kanya.
That's how Jaizer makes me feel, and I find it comfortable.
Buti naman at nakawala na ako sa mga maiinit na tanong ng magulang niya sa akin kanina. Buti nalang nandiyaan si daddy ko at tinulungan akong makatakas sa hot seat na dulot ng kanyang parents na atat na atat sa aming kasal. Basta sabi ni tita Melody looking forward raw siya sa wedding namin siya raw ang mag sponsor ng lahat dapat daw bongga. Nakaka-excite tuloy.
Anong nakaka-excite? Delulu kala mo may mangyayari talagang kasal.
"Mr. Pwetty! Mr. Pwetty!" Nasa kalagitnaan ako sa pagtayo dahil patapos na rin naman ang kaarawan. Hinarap ko ang munting bulilit at tinignan ito. Nakangiti ito sa akin kaya gumanti rin ako ng ngiti sa kanya.
Nasa pool area kami ngayon, dito na ako dinala ngayon ni Jaizer manonood dahil mayroong live performace ng isang child singer, ito 'yong bagong champion ng tawag ng tanghalan kids. Iniwan muna ako saglit ni Jaizer aakyat muna raw siya sa kwarto niya, which is magiging kwarto namin mamaya. Ano ba 'yan kinakabahan ako sa gagawin namin mamaya, sana matutulog lang kami. Sana nga. Pero bakit disappointed ako na matutulog lang kami?
Nag squat ako para pantayan ito at makaharap. It's Hunter, bago na ang damit niya at hindi mukhang pawisin kakalaro kanina. "Oh hi baby, Hunter do you need something?" Malambing ko namang sambit.
"I like you pwo..." Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya. May inilahad itong blue roses na gawa sa plastic na parang tatlong petals nalang ang natira at sobrang lukot na lukot na, halatang binunot niya lang 'to sa mga flower set na nakadisplay sa paligid.
"Y-You like me? Oh thank you..." Nag blush naman ako sa sinabi nang bata ganun na ba kalakas ang appeal ko? Pati bata nabibighani sa ganda 'kong taglay.
"When I grow up I will mwarry you." Napakurap-kurap ako ng ilang sandali at tyaka tinaggap ang bulaklak.
"Talaga? E paano 'yan naunahan ka na ng tito, Jaizer mo?" Nagsalubong ang kanyang kilay. Ang cute lang tignan, halatang kuhang-kuha ang features ng magulang nito. Nakuha nito ang mata ng kapatid ni Jaizer at ang kutis ni Kester. "Baka magalit siya sayo gusto mo ba 'yon?"
Cute naman itong umiling-iling. "Hmmm okay... Basta paglaki ko I will mwarry someone as pwretty as you and someone like papa, Kwester." Nginitian ko ito ng matamis dahil masunurin naman pala ang bata.
Nakakatawa lang dahil ginamit ko pa si Jaizer bilang excuse. Ano ba naman kasing gusto niya agad ako itali, bibigyan ka ba naman ng spot na pakakasalan ka agad paglaki niya. Baka uugod-ugod na ako no'n.
"Good boy ka naman pala, pero dapat aral muna bago harot okay." Tumaas ang isang kilay nito dahil sa sinabi ko.
"What's harowt?" Hindi ko alam kung bakit parang pareho lang sila kung umasta ni Jaizer. Magkadugo nga talaga ang mga 'to. Pero hindi ko masagot ang tanong niya baka isipin ni Kester kung ano-ano nalang 'tong itinuturo ko sa anak niya.
BINABASA MO ANG
My Next Customer (Montiguido #2 - UNDER EDITING)
Romance"MY NEXT CUSTOMER" -Jaizer Montiguido [Mpreg] Aiko Laze Mendes is a gay prostitute and a student. He did not notice that he is failing in one of his subject, he doesn't want to lose his scholarship; he doesn't know what to do or where to get someone...
