Kabanata 28
Narinig ko na tumunog ang ringtone ng cellphone ko. Unti-unti kong minulat ang mga mata ko at binalingan ito ng pansin. Humikab ako pagkatapos ay umupo na sa kama. Wala si, Jaizer sa tabi ko kaya napagisipan ko nang sagotin ang tawag.
Alas nuebe na pala ng umaga, ganun ba kami napasarap ng mabuti ni Jaizer kagabi? Hindi ko alam kung anong oras kami natapos pero sure akong inabutan talaga kami ng umaga, iyon nga lang pilit ang ungol naming dalawa at naging mas maingat na gumawa pa ng ingay. Mahirap na at baka may nakarinig. Kahit ngayon ay pagod at antok parin naman ako.
Si Janna ang tumatawag, ano kaya ang naisip nito at napatawag. Napapaisip tuloy ako kung ano ba ang sadya niya, at kung mangungutang lang ay dapat bababaan ko na 'to agad pag 'yon ang isusuyo.
"Hello, Janna?" Panimula ko muna.
"Aiko, mama mama miss you na! May ibabalita ako sayo. Pero bago 'yan kumusta ka na? Tagal mong nawala ah di mo ako na-miss?" Masigla naman nitong tugon. Lagi naman itong masigla at magiliw e. Magugulat nalang ako pag tatawag ito na umiiyak.
Mukha naman siyang okay ngayon, at sana maayos lang ang kalagayan niya. Kaibigan ko si Jannah kaya kahit kuripot ako, kung kailangan niya talaga ng pera ngayon e pauutangin ko siya. Pero nakabingwit na siya ng bigatin ngayon diba? Naghihirap parin ba ang babaeng 'to?
"Syempre ikaw lang naman ang kaibigan ko, ba't naman kita makakalimutan... Of course di kita miss..." Kahit di ko kita ang mukha niya ngayon ay alam kung napairap ito. Pero syempre miss na miss ko na itong bff ko.
"Chosera, edi hindi... By the way girl alam mo na ba yong nangyari sa apat na ulol tyaka yong tarantado mong customer noon na si, Vince?" Napairap naman ako sa hangin dahil sa sinabi niya. Sa dami daming pwedeng ibalita iyong mga taong putagris pa talaga.
"Oh bakit? Anyare sa kanila?" Actually wala naman talaga akong pake pero curious lang ako. Di kasi mag babalita nang ganito si Janna kung hindi naman ka aya-ayang pakinggan. Even though alam ko na kung ano ang nangyari kina Vince.
"One hundred percent dropped na sila sa school hindi sila makaka-graduate taray instant karma diba..." Tila naman natutuwa siya sa nangyayari pero deep inside of me natutuwa rin. Like sobrang pagdidiwang.
"Mabuti naman, deserve... Oh tapos?" As expected si Jaizer ang may gawa kaya hindi na ako na surprise pa.
"Alam mo ba sino nag drop out sa kanila?"
"Malamang hindi!" Pamimilosopo ko naman at kunyare hindi alam kung sino.
"Ano ba yan sungit... Edi sino pa edi 'yang customer mong si Sir Daddy mo..." Natahimik naman ako sandali sa sinabi niya.
I know he can do it for me because he promised. Pakiramdam ko tuloy may knight and shining armor ako. Pogi at masarap pa. Wala sa sarili akong napangiti.
"Haba ng hair mo... Ano may spark naba kayo?" Tanong pa niya ulit na parang kinikilig.
"Oo naman as usual, may spark pero nalulunok ko nga lang..." Natawa naman siya sa sinabi ko. Narinig ko pang may nagtanong sa background kung bakit ba daw siya tumatawa.
"Bakla ka ibang spark 'yang nasa isip mo na naman. Bakla ka talaga ng taon dugyot mo parin." Napairap ako sa sinabi niya. Kung makapagsabi kala niya di rin siya dugyutin.
"Kapal mo naman kala mo naman ulirang babae siya!" Sabay tawa ko.
"Ewan ko sayo... By the way nag bagong buhay na rin ako guess what di na ako pokpok!" Now we both free on that complicated situation.
BINABASA MO ANG
My Next Customer (Montiguido #2 - UNDER EDITING)
Romance"MY NEXT CUSTOMER" -Jaizer Montiguido [Mpreg] Aiko Laze Mendes is a gay prostitute and a student. He did not notice that he is failing in one of his subject, he doesn't want to lose his scholarship; he doesn't know what to do or where to get someone...
