Kabanata 19

7.2K 240 15
                                        

Kabanata 19

Para akong na estatwa sa kinatatayuan ko ngayon. Masyado niya akong binabantayan. Masyado siyang matalino. Nakakainis di man lang ako makakaalis sa lugar na 'to dahil sa lintek na lalakeng 'to. Pero kahit hindi masyadong mailaw ang paligid bakas parin ang matipuno at kakisigan nitong postura. He is breathtakingly gorgeous!

Hindi nakaligtas sa akin ang matipuno nitong braso, gosh that biceps, dahil expose ito sa kanyang suot ng white sando at tanging gray na pajama lang ang suot nito. Kaya bumabakat talaga ang mga babakat lalo na sa dinadala nitong tent. Alam niyo na kung ano 'yon pero kung hindi, sige kayo na inosente.

"Ah!...W-Wala naman...iinom lang sana ako ng tubig." Napakamot pa ako sa ulo at nagiisip pa ng maaaring idadahilan. "Oo, iinom lang talaga ako, I'm so uhaw na kasi!" Hinagod ko pa ang aking leeg para ipaalam sa kanya na uhaw na uhaw talaga ako kahit hindi naman. Super oa lang basta makalusot.

Inayos ko ang sarili at pasimpleng itinaas pa ng maagi ang short shorts ko at inayos ang aking oversized peach shirt kaya natatabunan ang aking short dahil sa suot 'kong oversized shirt, mukha tuloy akong walang suot na pang-ibaba. I know what I'm doing, and I'm doing this to distract him. Para maaalis ang focus niya sa naging kaganapan sa pagtangka 'kong tumakas.

Nakita ko naman kung paano siya humagilap sa bandang naka expose kong hita, at kahit medyo madilim ay napapansin ko ang kanyang ilang ulit na paglunok, it's working. Oh ano ka ngayon sir, manigas ka diyan.

Kala niya siguro matitikaman niya ako ngayon, pwes akala niya lang 'yon. Hinding-hindi niya ako matitikman. Sa ngayon. Hindi pa sa ngayon, maybe soon. Di ko alam keylan pero basta hindi pa sa ngayon. Gabi na at ayaw ko dahil nga nagtatampo parin. Nagtatampo? Hindi ako nagtatampo bakit ba ako magtatampo tanga!

I'm mad. Iyon 'yon, and he deserves my wrath.

Hindi na kasi kami nagtatabing dalawa kung magtulog simula no'ng napagtanto niya sigurong nagliliyab ang galit ko sa kanya. Hinayaan niya nalang ako sigurong matulog mag-isa sa kwarto. Hindi ko alam kung saan siya natutulog no'ng mga nagdaang araw.

"I thought you're already asleep?" Lumapit siya sa akin ng maigi habang nakapamulsa. Gosh, natatanaw ko ang mga naiipit na buhok sa kanyang kili-kili. Kaya pinipigilan ko ang sarili na huwag hayaang tumulo ang laway dahil ang hot no'n sa paningin, masyadong masculine. Tiningala ko ito at nag focus ulit sa goal. Di ako pwede ma-distract.

"Di lang kasi ako komportabe, di ako makatulog dahil w-wala ka sa tabi ko!" Medyo pakimi-kimi pa akong magsalita para lang malaman niyang serious ako kahit hindi naman, and then I used my charm again against him. "Tyaka wala akong pinaplano, pinagsasabi mo, Daddy?...Hmmp! ikaw nga 'tong may kasalanan eh!" Medyo pabulong pa iyong huli kong sinabi.

"Are you saying something?" Tinaasan niya ako ng kilay. Alam ko namang rinig niya pero mukhang gusto niya lang atang manigurado.

"Wala...Sabi ko nauuhaw ako...sige tulog ka na iinom lang ako tubig!" Sabi ko tyaka na siya tinalikuran at bababa na sana ng hagdan ng muli siyang nagsalita.

"Then sasamahan kita!" Sabi niya at wala naman akong nagawa at hinayaan nalang siyang sundan ako.

Now my plan B is activated, anong akala niya hindi ako marunong gumawa ng plano, he though he owns this game. Kaunting tyaga pa, Aiko magtatagumpay ka rin.

Nagmuka siyang security guard na binabantayan lahat nang aking mga galaw. Parang akong isang delikadong preso na kailangan bantayan twenty four hours dahil baka makatakas.

My Next Customer (Montiguido #2 - UNDER EDITING)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon