Kabanata 6

10.4K 294 12
                                        

Kabanata 6

Hindi ko naman akalain na aalis na ako sa apartment na aking tinutuluyan na halos doon na ako tumira nang ilang taon, iisipin ko nalang na atleast hindi na ako magbabayad at wala na akong gagastusin pa para lang mapanatilihing mayroon pa akong masisilungan. Tinignan ko ang kabuohan ng silid, mami-miss ko ang mga naging alaala ko sa apartment na ito, lahat ng mga panahon kung saan ako sinsusubukan ng mundo saksi ang apartment na 'to kung paano ako lumaban sa buhay.

Siguro may nga bagay din talaga na kailangan rin nating bitawan, ng sa ganun ay magkaroon tayo ng pagkakataong makapagpatuloy. Bago ko lisanin ang apartment na ito ay nilinisan ko muna ng maigi, na inform ko na rin ang land lady rito na hindi na ako dito manunuluyan. Si aling Galinda pa naman ang lagi 'kong nakakasalamuha ko rito, minsan nga hinahatiran ako no'n ng ulam kahit nire-reto ako no'n sa binata niyang anak sinasakyan ko nalang dahil malay mo baka magbigay ng discount.

"Bhie, saan punta mo?" Salubong sa akin ni Janna.

Papunta kasi ako ngayon ng 7/11 babalik ako mamaya sa bahay kailangan 'kong bumali ng pabango at iyong sabon 'kong ginagamit lagi para mabango at prisentable naman akong tignan sa harap mamaya ni Jaizer. Tyaka bibili rin ng makakain wala pa kasi akong kain kanina pang umaga. Mamaya nalang siguro ako mag i-impake. At di ko rin akalain makakasalubong ko pa pala si Janna rito. Bumibili ata ng sigarilyo dahil nakita ko ang isang kaha ng sigarilyo sa kanyang kamay na hawak-hawak ito.

"Bibili lang ng pagkain bakla, wala pa kasi akong kain kanina pa, tas di ko bet yong foods sa canteen ang mamahal!" Pagpapalusot ko. Di rin naman kasi ako makakain ng maayos kanina kahit pa't bibili pa ako sa canteen e hindi ko naman malulunok ng maayos dahil sa naging usapan namin ni Jaizer kaninang umaga.

Yes, from now on Jaizer na ang itatawag ko sa kanya. Tama nga naman siya ang pangit pag masyado akong pormal umungol. Tyaka it's not appetizing sa kanyang pandinig. Mas hot pag pangalan mo ang nababangit ng iyong ka-eksena.

Di ko lubos maisip na itatanan ako ng isa sa mga hot na instructor namin. Teka anong itatanan? Girl di ka itatanan ibabahay kalang kasi ka i-iyotin ka niya. Nalilib*gan lang siya sayo.

"Anong di bet...Tyaka ba't wala ka kaninang umaga tapos nag half day kalang. San ka galing? Diba di ka naman nakapagtrabaho kahapon?" Sabi niya habang nag simula nang sindihan yong sigarilyo.

"Masama lang pakiramdam ko kanina...Pahingi nga." Pagdadahilan ko tyaka humingi nang isang stick ng sigarilyo. "Pasindi." Tyaka niya binigay ang lighter sakin at sinindihan ito.

"Tyaka sabay kayo ni sir Jaizer kanina na pumasok...anong meron sa inyo? Nabingwit mo siguro no?" Binigyan niya ako ng isang mapanuring tingin at nakakalokong ngiti. Inirapan ko ito.

"San mo naman nakuha ang chismis na 'yan. E ano naman ngayon kung naakit ko nga ang sir natin? Inggit ka?"

Tumawa ito sa aking naging sagot tyaka ako inirapan. "Chosera ka masyado. So naakit mo nga? Magkano ang bayad?"

"S-Syempre hindi. Tigilan mo nga ako huwag ngayon marami akong iniisip na problema, punyeta ka!" Sabi ko tyaka himithit at bumuga nang-usok. Probelemado? Talaga Aiko? Siguro ako lang ang tao sa mundo na iisiping problema ang magkakaroon ng malaking sahod, may maintenance at maikakama ng isang adonis.

"Okay sabi mo e...hoy pambawas na sa utang ko 'yang hiningi mong sigarilyo." Humagikhik siya sa kanyang naging palusot para lang mabawasan ng kaunti 'yang hiningi 'kong sigarilyo sa kanya. Napaka tarantado talaga. Wala na akong nagawa kundi umirap nalang sa kawalan at humithit muli. "Cheer up sayo baks, alis na ako may work pa ako mamaya!"

My Next Customer (Montiguido #2 - UNDER EDITING)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon